“Gaano ka pa katagal sasandal sakin?” Diba ganyan siya lagi sakin? Hahaha pagkakataon ko ng bumawi! ^_^
Pano ba naman kasi hindi naman tulog kanina pa nakasandal! Nanunuod nalang kami ng movie ngayon. Hot seat lang naman kami ni Angel kanina habang kumakain. Si Mama at Papa kasi tamang interview lang? Si angel lang naman sumasagot sa tanong nila.
^___^
“Eh inaantok ako”
“Kakagising mo lang inaantok ka nanaman?”
“Oo” tapos pumikit siya
“Manuod ka nalang, ansakit na ng balikat ko”
“Masakit na? Gusto mo ikaw naman sumandal?”
Ano bang pinagsasabi ni Angel? Yung totoo! Kanina pa siya ganyan! Bakit ang sweet niya? Kasama pa ba ‘to?
“Angel” tapos bigla siyang umayos ng upo, hindi na siya nakasandal sakin
“Bakit?”
‘Kasama pa ba ‘to?’ Amp! Gustong gusto ko talaga itanong yan! Kaso baka sabihin niya na feeler ako. Eh totoo naman. Nakakainis kasi! Kanina pa siya sweet. Andami ng antik na dumadaan oh
“Ah wala” tapos ngumiti ako. Ngumiti din siya tapos humiga sa lap ko
O_o
Nakatitig lang ako sakanya, siya naman nakapikit. Ano nanamang eksena to?! Hoy Angel! Kanina pa ko kinikilig? Alam mo ba yun? Alam na alam mo ba yun?!
“Keith” nakapikit parin siya
“Uhhm?”
“Uwi na tayo”
Nakakinis na! Parang bata si Angel. I mean.. Para siyang TUNAY na boyfriend. Kinikilig na ko. Ayoko na -_- *_*
“Dito ako matutulog e” tapos mumulat siya
“Eh sa atin ka na matulog *pout*” Si Angel ba talaga ‘to? Nagpa’pout? Nagpapa’cute? Hahahaha
“Hoy Angel, hindi ka cute! Kaya wag kang magpa’cute!” Binabawian ko talga si Angel. Dapat handa na talaga siya
“Hindi ako nagpapacute, ang sinasabi ko lang parang madilim kasi yung bahay pag wala ka”
“Madilim?”
“Aish! Oo kasi…. Ano… KASI WALANG NAGBUBUKAS NG ILAW!” Eh bakit naman kailangan sumigaw?! Tapos bigla siyang tumayo at lumapit kay Pete na walang ginawa kung hindi magtext at makipagtawagan dun sa isang sulok. Tumayo si Pete.
Maya maya nilapitan naman ni Angel si Marco at biglang tumayo si Janna? K. And iyun tumayo na din sila, kanina pa nagkakwentuhan ‘tong si Marco, Janna at Gela. Ingay pa nila. Hahaha. Friends na ah.=))
Bakit pag magkakasama sila parang kumikinang? Ang liwanag -___- Nasisilaw ako. Si Janna syempre maganda. Si Gela din, ang ganda. Si Angel. Eh alam na *_* Si Pete din, cute, mukang chickboy. Si Marco, pogi. Ang pogi! Kaya siguro type ni SuperFriend. Gwapo oh.
Lumapit sila kay Ate Claud at Yuichi. Bakit aalis na sila? -___-
Napaka ni Angel! Halatang halata naman na siya ang nagyaya! Napaka-moody! Psh!
“Aalis na kami superfriend”-Gela
“Yah. Bye” –Janna
“Bye Ms. cute!” –Pete . Nakakatuwa naman! Alam ko na yun. Anu ba! =))
“Bye Akira, ingat ka” –Marco
“Sige hatid ko na kayo” –Ako
Papalabas na kami ng pintuan ng biglang sumabay sakin si Angel.
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Novela JuvenilPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))