CHAPTER 6
Justin’s POV
“Kaibigan kita, sorry pero hindi talaga ko nahuhulog sa mga kaibigan ko”
“Hindi ko naman sinabe na kailangan mong sumagot ngayon. Hindi naman ako nagmamadali e. Umamin lang ako” Eto ako. Tumatawa nanaman. Si Keith kasi. Ahahahahahahahahaha
Naka-NGA NGA! Grabe naman siya magulat? Unang beses bang may umamin sakanya? Sabagay unang beses ko rin naman umamin. At sa MRT station ko pa talaga napili -_- Nakakatawa pa dun, mukang hindi siya naniniwala.
“Alam ko naman, pero kahit hindi ngayon. Alam kong iyun parin ang isasagot ko"
“Wala akong pag-asa?”
“Justin, sinubukan ko na kasi yan dati, hindi talaga ko nafa’fall sa kaibigan ko. Inuunahan na kita”
“Bahala ka! Basta wag mong kalimutang may gusto ko sayo!”
Yan nalang yung nasabi ko. Tapos ngumiti naman siya at tinanggap yung sinabi ko. Di pa nga ako nanliligaw busted agad ako. Ang sakit pala. Hindi ba niya alam na tinamaan ako ng magaling kaya nagkagusto agad ako sakanya? Aba malay ko rin. Ganun ba talaga ako kamukang Chickboy? Pero seryoso ko. Gusto ko na si Keith. Parang ambilis ko naman ata. Di ko din alam. Ambilis ko din naramdaman agad e. Kaya amin din agad. Iyan, di din naniwala agad! Buhay -_-
Ako nga pala si Justin Karl Certeza. Achitecture student. Chick boy daw >.< Friendly lang! Apat pa lang ang girlfriend ko mula2nd year. Bakit ba iyan kinekwento ko? Ayoko na nga.
Pero diba ang Chick boy yung mga nanloloko ng mga babae? Hindi ako mangloloko. Kaya nga andami kong kaibigan na mga babae kasi hindi naman ako manloloko. Lagi nalang kasi akong napagkakamalan. Porke’t gwapo chickboy agad? Yan. Di tuloy ako makalimot! Si Keith kasi. Unang beses ko palang siyang nakasama natutuwa na ko sakanya. Yung ugali niya, kakaiba. Parang ang sarap niyang ingatan. Kaya ko siguro ‘to nararamdaman. Kaso ano daw? Ako ay isang kaibigan lamang.
Kaibigan lang pala
Diba may kantang ganyan? Hahaha Bahala na! Ngayon ko lang ito naramdaman. Hindi ko din mapaliwanag. Ambilis naman. Kahit ako nabibilisan -_- Basta wag nalang niyang kalimutan na gusto ko siya. Sapat na siguro sakin yun.
Parang hindi ako naman ako umamin. Hindi manlang naiilang si Keith. Kaibigan nga daw kasi ako. Sabi ko nga, kaibigan lang ako. Bwiset! Parang ako pa nga ‘tong nahihiya. Hindi naman niya binabalik dun sa usapan namin kanina kaya hindi ko na din binubukasan. Ayoko din na mailang siya sakin. Ayos lang na ako yung mahiya. Nahihiya pa ko! Nakita nanaman niya kong nakahubad! Badtrip! Ang daldal ko.
Kanina pa kami dito sa MOA. Enjoy naman siya, picture dito, picture doon. Ako naman pinapawisan. Ang init dito. Kumain na nga kami ng ice cream, at sobrang takaw ni Keith, sinusubuan pa nga niya ko e *_*, tapos si Angela naman dakilang eksena! Kinikilig daw ako. Natutuwa lang masyado.
Hindi kami naghahagdan. Nalulula kasi siya. Elevator tuloy kami. Itong si Angela naman ang ingay parin. Ansarap makipagasaran sakanya, patol kasi. PATOLA! HAHAHA.
“Justin picturan mo ko” Tapos inabot sakin ni Angela yung cellphone niya. Pumwesto siya tapat ni Megatron tapos nag-dirty finger. Baliw ba siya?
Maganda si Angela. Maingay.
“Oh 1.. 2.. 3.. smile” Tapos bigla kong hinarap yung cellphone sa muka ko at ako ang nagpicture.
“Hoy! Anu ka ba naman! Ako yung picturan mo!” HAHAHA. Nagiingay nanaman siya.
“Sayang yung pose ko oh!” sige sigaw ka lang
“Sorry, akala ko kasi pipicturan ko sarili ko e” tapos hinarap ko ulit yung camera sa kanya, ginawa kong video mode
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Genç KurguPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))