Chapter Fourteen
Keith’s POV
Tatlong linggo na rin ang nakalipas nung huling magalit sakin si Angel. Wala parin namang pagbabago. Ganun parin naman kami. Lagi parin naman kaming nagaaway. Kung iisipin nga lang, magta-tatlong bwan na kaming magkasama sa munti naming tahanan. Minsan nung umuwi ako, umuwi rin siya. Magkahiwalay kami ng daan e. Pa’Luzon ako pa-Mindanao siya.
Joke. Alam kong korni. Hahaha! Paki intindi nalang dahil hirap na hirap na ko mag-aral. Ngayon ko lang na-realize na ang dali pala ng course ko. Kaso lagi ko kasing tinutulugan e. Magbabago pa kaya ako? Sabi ko pa naman magaaral na ko. Wait lang, dadating din ako diyan ^__^
So tinatamad talaga ko mag-POV ngayon. Nakaharap lang naman ako kay Lappy at nagpepe’facebook sa aking tambayan. Syempre! Sa dining area. Si Angel, nasa sofa at nanunuod ng T.V. Lagi naman e. Kakauwi ko lang galing galaan. Araw araw ata ako gumagala kasama si Gela at Justin. Punta don punta dito.
At tatlong linggo narin nagluluto at naglilinis si Angel! ^__^ Siya din nagbayad ng renta. Anong silbi ko dito? Haha! Wala. Ganito pala yun, magpanggap lang na girlfriend at siya na bahala sa lahat. Lumalayo na rin kasi ako kay Angel.
Echos. Pano ko naman gagawin yun? Eh tuwing uwian binabalikan ko pa siya sa school. May tiga sundo siya ha? Lagi pa niya kong pinaghihintay. Eh pano naman kasi ulit! Simula ng nag-pageant siya, lagi ng may mga babaeng sunod ng sunod sa kanya. Hanggang pag uwi ba naman? Ayaw naman namin malaman ng iba na dito siya nakatira kaya sinusundo ko siya para pag magkasama kami, mahihiya na yung mga babae sa balat nila at di na sila lalapit.
Nahiya naman ako sa balat ko. Hahaha! Eh pano naman kasi ulit. Pangatlong ulit na ‘to. Magka holding hands na kami ni Angel di parin maka-halata? Ang galing galing na nga naming um-acting e. Kaya no choice sila kung hindi lumayo. Minsan nga naglalaboy laboy pa kami ni Angel e, para lang mailigaw sila. Parang wanted tuloy si Angel. At ako ang kumidnap!
Ang ganda kong kidnapper ha?
Gusto ko ng Flashback! Ms. Author! Flashback tayo ^__^
*Flashback*
Andito ko sa tapat ng building ng Archi. Pasahan ng project nila Angel. Yung plano na ginawa sa bahay namin. Kausap ko si Justin. Si Angel ang pinagpasa nila, wala daw kasing naitulong si Angel. Kaya siya nalang daw yung mag-represent sa grupo nila at mag-present ng presentation. Kaya ngayon hinihintay ko siya. Sunduin ko daw kasi siya. Edi sunduin ^_^
“Matagal pa ba yun?” Tanong ko. Magsi-six narin kasi ng gabi.
“Konti nalang siguro, pangatlong group naman kami e” sagot ni justin tapos tinignan yung relo niya
“Nagugutom na ko e”
“Hahaha bakit mo pa ba kasi kailangan sunduin si Angel? Malayo ba bahay nila?”
Hindi ko alam ang isasagot ko. Eh kasama ko nga siya sa bahay!
“Medyo”
“Ah. Dapat siya ang sumundo sayo”
“Pano naman niya gagawin yun? Hahahaha”
“Sabagay? Truelove ba ang tawag diyan? Ha Myloves?”
Truelove?
Eh hindi nga TRUE tong ginagawa namin e!
LOVE pa kaya?
“Ahahaha siguro”
So ang plastic lang ng tawa ko. Bakit ba kasi pag kausap ko si Justin puro si Angel ang tinatanong niya. Pinagdududahan ba niya ang nakakapanghinalang pagmamahal ko kay Angel? >.<
BINABASA MO ANG
Angel of Mine
Novela JuvenilPano kung stucked up sa isang taong hindi mo akalaing makakasama mo? Pano kung wala kang magawa kasi wala ka na ngang magagawa? Will you be nice? Pano kung bigla nalang niyang sabihing kayo? Pano nga! :"> Read this, you will know the answer :))