Di pa rin maubos ang luha ni Elize, halos isang oras na rin ang haba ng byahe nya ngunit di pa rin maalis ang lungkot na madarama sa pagkakahiwalay sa anak na si Ysabelle. Kinailangan nyang lumuwas ng Maynila upang humanap ng trabaho, limang taon na rin ang ang anak at alam nyang kailangan na nyang paghandaan ang pag aaral nito.
Matalino ang kanyang anak, ito ang nangunguna sa klase nila sa preparatory kaya nman naintindihan sya nito ng sabihin nyang kailangan muna nya umalis upang maghanap ng trabaho sa Maynila. Kasama ang pangakong uuwi sya bastat may pagkakataon at maraming laruan.
Mag isa nyang itinaguyod ang anak, namatay sa aksidente ang nobyong si Darius sa araw na dapat sana ay ipakikila sya nito sa pamilya ng binata. Di na nya tinangka pang ipaalam ang pinagbubuntis sa magulang ng nobyo dahil may pagka matapobre ang mga ito. Sa lahat ng ito ang kaibigang si Edna ang kasama nya. Kaya ng sinabi nito na tutulungan syang makahanap ng trabaho sa Maynila ay di na sya ng dalawang isip pa.Di pa sya nagtatagal sa pagkakaupo sa terminal ay dumating na din si Edna. Malayo pa lang ay ang tamis na ng ngiti nito.
Nagyakap ang dalawa, matagal tagal rin silang di nagkita."Kumusta" bungad ni Edna sa kaibigan
"Eto maayos nman, ikaw?" Sagot ni Elize
"Eto single pa din hahaha" nagtawanan na ang dalawa.
Nagtaxi na ang dalawa papunta sa condo na tinutuluyan ni Edna. Medyo malayo layo rin ang byahe ngunit sa dami ng napagkwentuhan nila di nila namalayan na nanduon na pla sila.
Tama lang sa maliit na pamilya ang condo pero dahil dalawa lang sila maluwag na ito para sa kanila.
"Magpahinga ka muna. Mamaya buklatin mo na yung classified ads na binili ko kahapon. Tapos gumawa ka na rin ng accounts mo sa lahat ng online job portal para makahanap ka agad ng trabaho" nakangiting sabi ni Edna
"Thank you friend" seryosong sagot ni Elize "di ko alam pano kakayanin ang lahat kung wala ka"dagdag pa niya
"Hay nako ang drama mo talaga!" Sabay yakap sa kaibigan. "Sa lagay ganun lang yun? Hoy! Bilisan mo maghanap ng trabaho at sisingilin kita ng renta sa condo ko hahaha" sabay akma paalis ng kwarto "matulog ka na. Gisingin kita bago ako umalis"
Tango na lng ang sinagot ni Elize at nahiga na rin.
Graduating na dapat sya pagpasok ngunit nabuntis sya at di na sya nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ang kursong Accountancy. Maraming nanghinayang sa kanya kasi kasama pa nman sya sa deans lister sa batch nila.
Naging abala sya maghapon sa paghahanda ng kailangan sa paghahanap ng trabaho. Naisilid nya na sa envelope ang kanya resume with picture at police clearance pati na rin ang ginupit na job advertisement sa diaryong binigay ng kaibigan. Nagpost na din sya ng resume sa mga online job portal. Pati facebook nya ay chineck na rin nya, matagal na din nya itong natingnan.
**********************************
Suot ang simpleng bestida na dala, manipis na make up at handa na sya sa pag apply. Sandali muna sya nanalangin at binitbit nya na ang bag at envelope. "This is it" bulong nya sa sarili.
Paulit ulit nyang sinasabi sa sarili ang direksyon na sinabi ni Edna. "Diretso pagdating sa bakery kanan tapos sa pangalawang kanto kaliwa"
Ngunit paglagpas pa lang ng bakery ay may isang gate na bukas syang madadaanan. "Siguro may lalabas na kotse" sabi sa sarili. Bahagya syang sumilip para makasigurado bago dumiretso, ngunit nagulat sya sa tumambad sa kanya.
Isang batang babaeng nakabihis pantulog na kamukhang kamukha ni Ysabelle. Lamang lang ito sa puti at kinis dala ng karanyaan. Makintab din ang mahaba nitong buhok
"Hi!" Sambit ng bata at nakangiti ng ubod ng tamis
"Hi baby!" Buong lambing nyang sagot
Ng bigla na lang sumigaw ang bata
"Manang Bising!!!! Hurry up!" Nakakatulig na sigaw ng bataTila ba binuhusan sya ng tubig at nataranta sya paalis
"Wait" sigaw ng bata sa kanya at napitigil nman sya "please wait...Manang Bising!!!"sigaw uli nito. Hinila sya ng bata "let's go inside, come!" At tila sya isang robot na sumusunod sa bata.
Mamaya maya pay nagdudumali ang isang babaeng medyo may katandaan na din...kasunod ang isang makisig na lalakeng naka long sleeves.
"What's wrong, honey?" Wika ng lalake sa bata sabay hagod sa buhok nito.
"Daddy, I want her, please!!!" Sabay yakap ng bata kay Elize.
Inosenteng napatingin si Elize sa lalake at mapaklang ngumiti.
Tinitigan sya ng lalake, sabay tanong "nag aapply ka ba?" seryosong tanong ng lalake
"Ah oo?" Sagot ni Elize na tila naguluhan.
Muli syang tiningnan ng lalake na parang nagtataka "may dala ka bang biodata?" nakakunot nitong tanong
Dali dali nmang kumuha si Elize ng isang set ng resume at police clearance. Nagmamatyag lang ang bata sa dalawa. Binasa na lalake ang resume ni Elize at muling tumingin kay Elize
"sure ka? Nag aapply ka?" nagtatakhang tanong ng lalake
"Huh? Oo...ahh ng ano ba?" Naguguluhan pa din wika ni Elize.
Ngumiti ang lalake "nangangailangan kasi kmi ng yaya ni Gabrielle, parang sayang nman kung yaya lang ang papasukan mo" sabi ng lalake na matamis na ang pagkakangit
Bahagyang natawa si Elize at nawala ang kaba sa ngiti ng lalake "ahh sorry, nagulat kasi ako kay baby. Oo mag aapply ako, pero di yaya. Napadaan lang ako dito tapos napangiti ako sa kanya ang gandang bata kasi tapos ayun na sumigaw na sya at hinila ako papasok" natatawang kwento nya.
Natawa na rin ang lalake "Anyways, I'm Fernan, Elize right?" Tumango nman ang dalaga. "Pasensya ka na sa kanya ang tagal na kasi nming naghahanap ng yaya nya at wala syang nagugustuhan" sabay tingin sa anak.
Muling yumakap ang bata kay Elize "please, take care of me. Daddy is always busy with his work. I think you are so nice...please" nagsusumamong sabi ng bata. "Daddy, please make her say yes" at kumabila ng yakap sa ama.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa.
"Ok honey, leave us for awhile and I will convince Tita Elize" bulong sa anak ng nakangiti at sinadyang iparinig kay Elize. Mabilis naman tumalima ang bata.
"So, this little sweet brat put a pressure on us" natatawang sabi ni Fernan kay Elize. Napangiti lang si Elize ngunit nanatiling tahimik. "Honestly, i dont know what to say, its been 3months na papapalit palit kmi ng yaya because I was the one choosing for her and this time, she chooses you and i don't know how or if I should convince you to really say yes" magandang ngiting wika ng binata.
Natatawang sumagot si Elize "Honestly, I don't know what to say either" tumitig sa ceiling at ng akmang magsasalita
"Ok, I'm not pressuring you, you can say no but please hear me first. I will hire you as tutor and nanny to Gaby if thats ok with you and for a start i will give you 15k a month" nakatitig na sabi ng lalake kay Elize
"15 thousand a month?"gulat na sagot nito
"Why? Mababa ba? How much is your asking?" Sabi ng lalake determinadong kuhanin sya. Ng bigla napatingin sa relo at nataranta. "Sorry Elize, i need to go now. Please stay kahit sandali lang stay with Gaby pakiramdaman mo kung kaya mo and then you decide?" Dali dali itong tumayo at di na hinintay pang sumagot ang dalaga.
Paglabas nila ng pinto ay inosenteng mata ni Gaby ang sumalubong sa kanila. Yumakap sa ama at bumulong "did she say yes?"
Ngumiti ang ama at sumagot. "Not yet and its your turn to convince her. ok?" Nagthumbs up nman ang bata at kumindat pa.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny