"Elize, may aayusin lang ako for this week baka di muna ako makakauwi" paalam nya sa dalaga minsang nanunuod sila ng pelikula.
Biglang nalungkot si Elize at di alam kung ano ang sasabihin. Ilang araw pa lamang silang nagkakamabutihan ng lalake at eto isang linggo silang di magkikita. Nakatitig lang sya kay Fernan na tila ba walang narinig.
"Sabi ko may aayusin lang ako this week at di muna ako makakauwi, ikaw na muna bahala dito" nakatitig sa dalaga. Parang naiiyak ang dalaga sa sitwasyon nya pero nananitiling tahimik. Niyakap sya ng lalake. Di na napigil ng dalaga ang pagtulo ng luha "Oh! bakit ka umiiyak? Anong ginawa ko?" natatawa ngunit natatarantang sabi ng lalake "Di ako mambababae sa pupuntahan ko promise!?" humarap ito sa dalaga at itinaas pa ang kaliwang kamay
"Oh eh bakit kaliwa yan!?" Natatawang sabi ng dalaga ngunit umiiyak pa rin "Di ba dapat kanan!"
"Ha? Oh sorry" sabay taas sa kabilang kamay...at muling niyakap ang dalaga. "Promise ko, sa ngayon ikaw lang at si Gaby lang ang babae sa buhay ko." seryosong sabi ng lalake
"Talaga!" medyo nakahinga ng maluwag na sagot ng dalaga
"Oo! ewan bukas ha!" sabay tawa ng malakas
Pinagkukurot ng dalaga ang lalake tawa naman ng tawa.
Kinabukasan ay tanghali ng umalis si Fernan, nagpaalam muna ito sa anak. Nakashorts lang ito at may dalang backpack. Lumapit muna ito sa dalaga na nagkakamot ng ulo
"Pwede bang magrequest bago umalis" natatawang sabi nitoSeryoso naman ang dalaga "Ano yun?"
"Pakiss naman kahit sa noo lang" medyo pabulong na sabi nito.
Natatawa man ang dalaga ay medyo kinilig sya. Nilinga saglit ang ulo ng makitang wala namang nakatingin sa kanila ay mabilis na hinagkan sa labi ang lalake.
Abot tenga naman ang ngiti ng lalake "Pagbalik ko mag uusap tayo ha. Lets hope for the best" seryosong sabi ng lalake
Di man naiintidihan ang sinasabi ng lalake. "Ok...kung saan ka man pupunta mag iingat ka ha" sabi nya sa lalake
"Ok, kayo din. Pag may problem just call, if I need to come andito ako agad" sabi nito at tumalikod na
"I love you" bulong ni Elize sa binata
Tinitigan sya ng binata at hinalikan sa noo.
"Wala na namang I love you" sigaw ng utak at puso ni Elize.Inabutan pa ni Fernan si Aling Tuding na naglilinis sa bakuran nila.
"O anak! Alanganing araw yata ang dating mo ngayon" nagtatakang sabi ng matanda
"May kailangan lang po akong ayusin, mga isang linggo po ako dito" sagot ni Fernan
"May problema ka ba?" tanong nito sa lalake. Kabisado na nya ito at di ito pwedeng maglihim sa kanya. Tango lang ang sinagot ng lalake "Si Elize ba?" ulirat ng matanda.
"hmmm..opo" maikling sagot ni Fernan
"Ay bakit?"
"Di ko po alam Nay pero pakiramdam ko sya ang tunay na ina ni Gabrielle. Di ko kayang mawalan uli Nay" malungkot na sabi ni Fernan.Alam ng matanda ang sekreto ng pamilya kung kayat ganun na lamang kadali kay Fernan sabihin ang problema sa matanda.
"Hindi ba mas mainam kung sya nga ang ina ni Gaby?" medyo naguguluhan wika ng matanda.
"Kailangan ko lang malaman Nay kung paano ba talaga napunta sa amin si Gaby, meron kasing di tugma sa kwento ni Darlene" sabi ni Fernan sa matand.
"Ay ganun ba. Kung ano ang maitutulong namin magsabi ka lang anak ha" sabi ng matanda kay Fernan bago iniwan ang lalake.
Halos naisa isa na nya ang gamit ni Darlene ngunit wala syang makitang bagay tungkol sa tunay na ina ni Gabrielle. Gusto na nya sumuko, nang mapansin ang isang kahon ng sapatos na kanina pa niya dinadaan daanan.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny