Chapter 10

2 0 0
                                    

Tanghali na nagising si Elize at Gaby, alas nueve na pala at wala silang kamalay malay. Inasikaso muna nya ang alaga at sabay silang nag-agahan. Pagtapos mag-agahan ay nagyaya lumabas si Gaby.

“Mommy, can we go outside?” sabi ni Gaby habang nakayap sa baywang nya. “Let’s catch some butterflies”

“Ok” sagot nya sa bata at hinawakan ang kamay nito.

Nakita nila si Aling Bising na nagdidilig ng halaman at may kausap itong isang matandang babae. Nakatalikod ang kausap nito sa kanila. Dinig sa kinaroroonan nila ang tinig ni Aling Bising

“O gising na pala sila, ayan na si Gaby ang laki na” sabi ni Aling Bising sa kausap

“Hi Lola” sabi ni Gaby sa kausap ni Aling Bising at nagmano pa ito.

Napatitig si Elize sa kausap nito, tila ba pamilyar sa kanya “Nanay Lydia?” Sabi ni Elize, nakilala nya ang matanda Napatingin sa kanya sina Gaby at Aling Bising, patakbo syang yumakap sa matanda na parang sabik na anak. Napayakp din sa kanya si Aling Lydia “Si Elize ito Nay” pagpapakilala nya dahil parang di na sya maalala ng matanda

“Ikaw na ba yan! Kumusta ka na…” tuwang tuwa din ang matandang makita sya “Ibig sabihin, alam mo na ang lahat” tanong nito sa kanya

“Ang alin po Nay” nagtatakhang tanong nya

“Ang tungkol kay Gabrielle” dagdag pa ng matanda. Napatingin kay Aling Lydia si Aling Bising, ganun din si Elize at Gaby na nag-aantay sa sasabihin nya. Nataranta naman ang matanda parang nahimasmasan “Ah ang ibig ko sabihin, kilalang kilala mo na ba si Gaby, paano ka naparito” sabi nito.

“Naku mahabang kwento po Nay pero nandito po ako para alagaan si Gaby” sabi nya sa matanda

“Kumusta na ang anak mo?” tanong ng matanda kay Elize

“Ok naman po, Malaki na po sya magkasinglaki na sila na Gaby at magkamukhang magkamukha” kwento nya sa matanda. Nakatitig lang sa kanya ang matanda, parang binabasa sya nito. "Kayo po Nay, kumusta na kayo? Saan po kayo ngayon nakatira?” tanong ng dalaga sa matanda.

“Doon pa rin ako sa dating bahay na tinuluyan mo sa Nueva Ecija” sagot ni Aling Lydia

“Ahh bumalik din ho pala kayo” sagot uli ni Elize. Marami pa sana syang gusto itanong matanda ngunit hinila na sya ni Gaby para manghuli ng paru paro.

Di na sila nabigyan ng pagkakataong makapag-usap uli ni Aling Lydia, umuwi na rin agad ang matanda makapananghalian. Gusto man nya itong pigilan pero di nya alam kung pano. Di sya mapalagay dahil naramdaman nyang may tinatago ito sa kanya. Parang lumalaki na ang duda nyang anak nga nya si Gabrielle? Ngunit pano? Naalala nya ang kaibigan, tinawagan nya ito.

“Hello” mabilis na sagot ni Edna

“Bakla, kailangan ko ng kausap malapit na akong mabaliw” bungad ni Elize kay Edna

“Relax, anong problema” sabi ni Edna
“Si Nanay Lydia, kelan lang natin sya napag-usapan. Nakita ko sya kanina” kwento nito sa kaibigan

“Talaga, saan?” parang natuwang sagot ni Edna

“Dito, kilala sya ni Gabrielle. Di lang kami nagkaroon ng pagkakataon magkausap ng matagal kasi umalis din sya kaagad” at kinuwento nya ang maikling pag-uusap nila ni Aling Lydia

“Sabi ko na kasi sayo eh, sigurado ako, anak mo yan si Gabrielle bakit kasi masyado kang nagpapaniwala kay google na meron dalawang taong exactly looks the same but not twins” panenermon ng kaibigan “Uuwi ako mamayang gabi, may kailangan ako gawin sa atin, gusto mo samahan kita sa Nueva Ecija” yaya nito sa kaibigan

“Agad agad! Wala si Fernan” sabi ni Elize na parang lalong naguluhan sa pangyayare.

“Tawagan mo na lang, nandiyan naman si Alin Bising di ba? Elize, it’s now or never” sabi ni Edna sa kaibigan

“Ok sige. Antayin mo ko magpapaalam lang ako" seryosong sagot nya.

Kailangan na nyang malaman ang lahat. Natatakot sya sa maaring kahantungan nga lahat pero kailangan na nya ng kasagutan sa lahat ng tanong sa isip nya. Nagpaalam sya kay Fernan, ayaw syang payagan ng lalake at ang gusto pa nito ay samahan na lang sya pauwi, ngunit nagpumilit sya.

“Ano ba ang dahilan, bakit ka uuwi? Yung specific na dahilan” medyo may diin na ang salita ni Fernan

“Bigyan mo din ako ng sapat na dahilan bakit ayaw mo ako payagan” halos maiyak na si Elize.

“Dahil ba ito kay Jordan” puno ng dudang tanong ni Fernan

“Kay Jordan? Ano kinalaman ni Jordan dito” di alam ng dalaga kung matatawa ba sya o maiinis sa sinabi ng lalake “Wag mo sabihin nagseselos ka pa rin kay Jordan”

“Marami sana akong gusto sabihin sa’yo” mahinahon na ang salita ni Fernan. “I’ll be home tonight, if you can wait for me, I am willing to drive you home to Nueva Viscaya tomorrow” dagdag pa ng lalake

“Sorry Fernan, I just need to go home now” maikling sagot ni Elize.

“Please promise to come back…kung di kita mapipigil” nagsusumamong sabi ni Fernan

“I will” pangako ng dalaga

Mabigat man ang dibdib pinili ni Elize na tuloy umuwi. Dahil alam nyang ito ang mas tamang gawin sa panahon na yun. Nalungkot man si Gaby ay pinayagan sya nito, yumakap pa ito at humalik

“Promise that you’ll be back in three days Mommy” mangiyak-ngiyak na sabi ng bata

“Ok sweetie” sabi sa bata at hinalikan ito sa noo bago tuluyan lumabas ng bahay.

Bitbit ang maliit na backpack, dumiretso na sya sa bahay ni Edna at sabay na silang nagpunta sa terminal ng bus.

Hinayaan na muna ni Edna na manahimik ang kaibigan, kilala na nya ito at alam nyang kakayanin kung ano man ang kakaharaping problema.

“Isang tanong lang Elize, at magsabi ka ng totoo. Mahal mo ba si Fernan” seryosong tanong ni Edna

Tumulo ang luha ni Elize “Mahal na mahal” maikling sagot nito.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon