Chapter 2

6 0 0
                                    

Tila naguguluhan si Elize sa nararamdaman, gusto nyang magstay dahil parang ang anak ang nakikita

Lumapit si Aling Bising sa kanya. "Ano na nga ang pangalan mo ineng?" Mabait ang tono ng matanda

"Elize po" maikling sagot nya.

"Alam mo ba, yang si Gaby ay mabait na bata kaya lang ay medyo mailap kaya nga nagulat marahil ang daddy nya at nakayapos agad sayo. Tinanggap mo na bang magiging yaya nareng batang ito" sabay turo kay Gabrielle na busy sa paglalaro ng doll house nya.

"Di pa po kmi tapos magusap ni Sir pero kung papayagan nya akong pasyalan ang anak ko lalo na po sa mga special occassions pwede ko pong subukan kung kakayanin ko" sagot nya sa matanda

May pagtatakang tiningnan ng matanda ang dalaga "may asawa ka na pala" sabi nito

"Ahh" nangiti ang dalaga "actually po, wala po akong asawa. Namatay po ang tatay ng anak bago pa man po kami ikasal kaya ako po ang nagtaguyod mag isa sa bata" may konting lungkot pa rin sa boses ni Elize habang nagkkwento.

"Ganun ba? Napakabata mo pala nabyuda" ngumiting sagot ng matanda na tila inaalo si Elize "parehas kayo ni Fernan, may nobyo ka ba ngayon?" Ulirat ng matanda

"Naku wala po, binuhos ko po lahat ng oras ko sa anak ko"

"Maige kung ganun" tila nanunuksong wika nito.

Pinagmamasdan nya si Gabrielle at tila ba anak nya ang nakikita at dahil dito nais na lamang nga niyang magstay at alagaan ang bata. Tila ba sabik ang bata sa pag aaruga ng isang ina at nais nyang punan lahat iyon. Dalawang taon lamang pala ito ng naulila sa ina.

Sya na ang nagpakain at nagpaligo sa bata. Kasalukuyan nyang inaayusan ang buhok nito ng dumating si Fernan. Di nila kapwa namalayan na knina pa pla sila nito pinagnamasdan, nagulat pa sila ng nagsalita ito.

"Wow! Ang ganda nman ng dalaga ko" sabay halik sa anak. "Does this mean, yes?" Baling nya kay Elize.

Lumulundag na sumigaw si Gabrielle "yes!, she said yes daddy yehey!" Kita sa mukha nito ang saya. Tango at mahinang tawa na lamang ang naisagot ni Elize.

Bakas din sa mukha ni Fernan ang sobrang tuwa sa desisyon ng dalaga. "So kelan mo kukunin ang gamit mo? Gusto mo ba samahan ka namin ni Gabrielle sa pagkuha? Di ba malapit lang nman dito" nakangiti pa rin ang lalake.

"Tatawagan ko muna ang kaibigan ko siguro kahit mamaya na lang pag nasa bahay sya para makapag usap muna kami. O kaya pwede bang bukas na lang" tanong ng dalaga.

"No! Please stay. You promised to read me a book before I sleep tonight!?" Naglalambing na sabi ng paslit. Nagkibit balikat nman si Fernan

"Haha oo nga pala ano. Okay, sige kuhanin ko lang gamit ko mamaya? At sana makausap ko rin yung kaibigan ko para makapagpaalam ako ng maayos" Sagot ni Elize sa bata pero kay Fernan nakatingin.

Tumango naman si Fernan. "Ok in that case I think I need to go now and buy some books for my princess. We only have few children books here" paalam ni Fernan sa dalawa.

"And what if we come with you daddy?" Excited na wika ng bata

"What can you say Elize" tanong ni Fernan sa dalaga.

"Ok lang din sa akin" sagot naman ng dalaga.

"Ok tara na...maayos na nman ang mga suot nyo...lets go!" Sabi ni Fernan sabay buhat sa anak na napasigaw pa sa tuwa.

Walang pagsidlan ang tuwa ni Gabrielle ganun din nman si Elize at ramdam lahat iyon ni Fernan. Tila ba napakatagal ng magkakilala ng dalawa. Hinayaan nyang namili ang dalawa ng libro at iba pang mga art material. Binigyan din nya ng go signal si Gabrielle to get anything she wants kaya naman pang isang taong supply yata ang kinuha. Kumain sila saglit at dinaanan na din ang gamit ng dalaga.

"Wala pa ang kaibigan ko pero ngsabi na ko na kukunin ko ang gamit ko, nakaimpake pa nman kaya binuhat ko na lang" sabi ni Elize habang papasok ng sasakyan. Tinulungan nman sya ni Fernan na ipasok ang mga gamit.

Sasandali lang ang byenahe nila mula condo ng kaibigan ngunit tulog na ang bata pagdating nila

"Napagod na si kulit"natatawang sabi ni Fernan. "Thank you Elize for making her happy. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya"
Ngiti na lang ang sinagot ng dalaga.

**********************************

Naging masaya ang isang linggo di lang para kay Gabrielle kundi ganun na din kina Elize at Fernan. Palibhasay bakasyon pa kayat maghapon magkasama sina Elize at Gaby sa halos buong linggo maliban sa araw na may klase ang bata sa ballet summer class nito.

"Tita Elize, look at this" tuwang tuwa ang bata dala ang sketch pad nya

Isang simpleng drawing nag mag-ina ang drinawing ng bata. Magkahawak ito sa tila ba isang hardin.

"Si mommy mo ba yan? Namimiss mo sya?" tanong nya sa bata

"No tita, that's you and I" malambing na sabi nito habang nakahilig kay Elize

"Oh talaga!?" walang pagsidlan ng tuwa ang naramdaman ni Elize "Dapat kulayan mo para mas maganda" nakangiting sabi nya sa bata

"Ok tita. I will show it to you again later" tumakbo ito palayo sa kanya at kinuha ang crayons nya.

Nang biglang naring ang phone ng dalaga. Tawag galing sa Ina.

"Hello" medyo mahinang sagot ni Elize

"Hi mommy!" si Ysabelle ang nasa kabilang linya

"Hi baby!" sobrang sayang sagot ni Elize dahilan upang mapalingon si Gabrielle habang busy sa ginagawa.

"Musta Mommy! galing po kami kanina kila Tita Lory namitas ng mangga ang dami dami" tuwang tuwang kwento ng bata

"Ows talaga! sayang wala ang mommy" totoong nanghihinayang sya dahil isa ito sa summer bonding nilang mag ina.

Maya maya pa'y lumapit si Gaby ay bumulong kay Elize "Is that Ysa? Can I talk to her?" nakangiting sabi ni Gaby.

Tumango naman si Elize ka Gaby " Anak, naalala mo ba yung kinukwento ko sayong bata na alaga ko si Gaby?" tanong nito sa anak "Eto sya ha, kakausapin ka daw nya" sinet nya sa speaker mode ang phone para marinig nya.

"Hi Ysa! How are you" masayang bati ni Gaby

"Hi Gaby! I'm okay naman. Ikaw nakakaintindi ka ba ng tagalog" natatawang sagot ni Ysabelle

"Yes, but I can speak konti lang" sagot naman ni Gaby. "Can we be friends?" tanong ni Gaby

"Yes sure! Sabi ni mommy magkamukha daw tayo eh" sagot naman ng isa

"Maybe we are twins but separated" tumatawang sagot ni Gaby

Tuwang tuwa si Elize na pakinggan ang dalawang batang mahal nya. "Sana nga ay maging magkaibigan sila kahit sobrang magkaiba ang mundo nila" bulong nya sa sarili.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon