Chapter 5

12 0 0
                                    

Walang pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa pagtatampisaw. Ganun din si Fernan tuwang tuwa syang pinagmamasdan ang dalaga. Bumagay sa kanya ang sleeveless at short na binili nilang mag ama. Para itong sinukat sa kanya. Palibhasay ngayon lang nakapunta sa dagat, inenjoy ni Elize ang lahat lahat dito.

Sinimulan nyang gumawa ng sand castle gaya ng napapanuod nya sa mga pelikula.

"Sige pagandahan tayo ng castle" sabi ni Fernan na umupo na rin sa buhangin

"Ang daya mo naman eh for sure sanay ka gumawa nito. Ako kaya first time ko" natatawang sabi ng dalaga.

"hahahha, so tanggap mo na agad na talo ka without trying?" sabi ng lalake

Pinagpatuloy nila ang castle nilang dalawa. Parang mga bata na nagdadayaan habang ginagawa ang sand castle.

Sinisimplihan ni Elize na sirain ang castle na ginagawa ni Fernan. Kaya nman gumaganti rin ang lalake ng pasimple.

"Ay, ayoko na nga!" nakairap na sabi ng dalaga. "Ang daya mo naman" sabay bato sa lalake ng buhangin.

"Aha at ikaw pa ang napipikon" natatawang sabi ng lalake sabay akmang kikilitiin ang dalaga. Natawa ang dalaga sabay binato uli ang lalake at tumakbo "at talaga sinusubok mo ko ha! antayin mo ko makukuha mo ang gusto ko" tawa ng tawa si Fernan na hinabol ang babae.

Mabilis nyang nahuli ang babae at kiniliti ng kiniliti ang dalaga, halos  mamatay matay sa pagtawa ang dalaga, halos humiga na ito sa buhanginan at dinig na dinig ang lakas ng tawa nito "tama na Fernan hahahha...please tama na sige na talo na ko hahahha" tinigilan naman sya ng lalake ngunit ng nabigyan ng chance ay tumayo at akmang tatakbo uli na mabilis naman syang nahuli ng lalake....tumatawa pa rin ang dalaga di na namalayan yakap na sya sa likod ng lalake, nang humarap sya lalake ay magadang ngiti nito ang nakita at titig na titig sa kanya. Mahinang pinalo nito ang mukhang binata "hahaha...ayaw ko na ha" sabi nito.

Hinila sya ng lalake at niyakap...di nya namalayang gumanti sya ng yakap dito
"please stay with me Elize" bulong ng lalake. Napapikit si Elize sa narinig at naramdaman ang lakas ng kabog ng dibdib. Hinawakan ng lalake ang baba at sinabi "Please stay with us" nakapikit pa rin ang dalaga at tumango. Hinalikan sya ng binata sa noo at muling yumakap.

"i love you" bulong ni Elize sa utak nya.....inaantay nya ang salitang iyon mula sa lalake ngunit di nya narinig. Nasa ganun silang eksena ng marinig ang boses ni Aling Tuding

"Mga anak hali na kayo at nakahanda na ang merienda"

Ilang klaseng kakainin, pansit, buko at kung ano ano pa ang nakahain sa mesa "di pa sila prepared nito" bulong ng dalaga sa sarili.

"Hala kumain na anak at siguradong pagod na kayo" sabi ng matanda sabay ngiti ng ubod tamis "Dito ba kayo kakain ng hapunan?" tanong ng matanda na nakatingin kay Fernan. Lumipat naman ng tingin ang binata sa dalaga na tila ba nagsusumamo. "ayy sige sabihan mo ako Fernan at para makapaghanda ng makakain nyo" wika uli ng matanda bago iniwan ang dalawa.

"ok lang ba sayo kung dito na tayo magpalipas ng gabi? dont worry mabait naman ako" seryosong sabi ni Fernan kay Elize

"Di ba tayo hahanapin ni Gab?" naalala ang alagang sa tabi nya natutulog.

"Nagpaalam naman ako sa kanya at pumayag naman sya" natatawang wika ni Fernan.

"hahahha..at ako lang talaga ang wala alam sa lakad na to noh" natatawa na rin si Elize

"Bakit nagsisisi ka ba?" sabi ni Fernan at lumipat ng upuan sa tabi ng dalaga

Ngumiti ang dalaga "Hindi naman" sabi nito at pinindot pa ang ilong ng lalake. Maraming katanungan sa utak nya pero di nya masabi sa binata. "mahal ba ako nito o pinaglalaruan lang nya ko" sabi nito sa sarili.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon