Chapter 3

4 0 0
                                    

"Can I call you Mommy?" Biglaang tanong ni Gabrielle matapos nilang magbasa bago matulog.

Muntik ng maiyak si Elize sa tanong ng bata. "I would love to but I think your dad won't be happy to hear that" mahinang sabi nya sa bata sabay halik sa noo nito. "How about naynay?" Masayang tanong nya

"Naynay??" Tila may ilaw sa matang sagot ni Gabrielle. "Ok naynay is better than tita! Good night naynay! I love you" sabay yakap sa kanya at natulog.

Niyapos nya ang bata at pakiramdam nya ay anak ang niyayakap. Di na nya namalayan na nakatulog na rin sya. Maya maya pa'y naalimpungatan sya at nakaramdam ng uhaw kaya marahan nyang inalis ang kamay sa pagkakayap sa bata at pumunta sa kusina.

"Anong oras na kaya" pupungas pungas na tanong nya sa sarili.

Tahimik na ang buong bahay. Tanging ilaw na lang sa veranda ang liwanag na makikita sa kabahayan. Akma nyang bubuksan ang ref ng
"Tulog na si Gaby?"

"Ay kabayo!" Napasigaw sya sa sobrang gulat, di nya napansin na nanduon pala si Fernan. "Nandyan ka pala, bakit ba di ka magbukas ng ilaw" malakas pa rin ang boses nya

"Hahha sorry nagulat kita. Nasanay na kasi akong ganito" wika ni Fernan

"Hehehe sorry din medyo nasigawan kita" kamot sa batok na sabi nya. "Oo kanina pa tulog, di ka na naantay" dagdag pa niya.

"Kwentuhan muna tayo saglit?" wika ni Fernan binuksan nito ang ilaw at umupo na muli . "Umiinom ka ba?" Sabay taas sa basong hawak.

"Ay hindi eh" sabi ng dalaga ngunit umupo na rin.

"Ang corny mo pala" tumatawang sabi nito sa dalaga

"Hahhaa boring actually" sagot nya sa lalake. "Masyado ka palang workaholic noh?" pag iiba nya sa usapan

"Kailangan eh, I'm enjoying it nman it's like my theraphy na din"sagot ng lalake

Ngumiti na lang si Elize.

"Ok lang ba if I ask a personal question?" nakangiting tanong ni Fernan

"Sure!" natatawang sagot nman ni Elize

"Nakita ko kasi uli yung resume mo kanina...and medyo naconfused ako. You're single with a kid, right? Nakatitig sa dalaga "so are there plans for a wedding?" Seryosong tanong ng lalake

Ngumiti muna ang dalaga bago sumagot "actually wala" nakataas ang kilay ng lalake at nagaantay pa ng sasabihin ng dalaga "naaksidente yung boyfriend ko before we even let the whole family know na preggy ako...hehhe..." tumatawang sabi ng dalaga ngunit bakas pa din ang lungkot sa mata

"How did you tell ur parents?" taning ni Fernan

"Napakahirap, bunso kasi ako at nag iisang babae...it's good thing I have friends...nagtago ako. 1 month na ang baby ko bago ako lumitaw..syempre ang ganda ng apo nila..at namiss nila ang prinsesa nila"tumatawang naluluha si Elize maalala ang pinagdaanan. "Akala ko di ko kakayanin..pero buti na lang napakabuti ni Lord nagsend sya ng mga angel...may isang tumulong sa akin di ko nasasabihin name nya. Halos sya ang kumupkop sa akin. during my late pregnancy kasi napakakumplikado pala magbuntis...sya lahat gumastos at binigyan pa nya ako ng pangpuhunan bago ako umuwi kila nanay" naalala nyang lahat ang kabutihan ng doktorang tumulong sa kanya.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon