Chapter 6

6 0 0
                                    

Mag iisang linggo na simula ng manggaling sila ni Fernan sa Batangas. May mga oras pa ring napapaisip ang dalaga kung ano nga ba sila ng lalake. Maaga na itong umuuwi kompara dati, madalas ay sabay sabay na silang kumain ng dinner na syang ikinatutuwa ni Gabrielle. Nakikiramdam lang ang mga kasama nila sa bahay kung ano nga ang relasyon nila kung meron man. Tanging si Gabrielle lang ang vocal sa nararamdaman. "I know soon...I can call you mom" naalala nya ang mukha ng bata habang sinasabi ito. Tuwang tuwa ito sa magkakasama silang tatlo marahil ay pakiramdam nya ay buo ang pamilya nya.

"Naynay when can I talk to Ysa again?" naglalambing na tanong nito. Madalas na kasing magkausap ang dalawa ngunit simula dumating sila galing Batangas ay di pa nagkausap ang dalawa.

"Hmmmnn..gusto mo tawagan natin sya ngayon?" kinuha na nito ang cellphone, tumango ang paslit kayat idinial na nya ang number ng ina at inabot sa bata.

"Hi Lola, can I speak to Ysa" natutuwa syang pagmasdan ang bata. "Hmmmmnnn...medyo lang po but I understand" nakangiting sabi nito. "marahil ay tinatanong ng Nanay kung marunong ba itong magtagalog" sabi ni Elize sa sarili. "Lola is calling Ysa now" bulong ng bata kay Elize. Lumapit si Elize at ni-loud speaker ang phone para marinig nya usapan ng dalawang paslit.

"Hello" bakas ang saya sa tinig ng anak "naku dudugo na nman ilong ko dito lola" mahinang sabi ni Ysabelle ngunit dinig parin. Natawa na lang sya sa anak.

"hahaha, can't you understand english?" tumatawang sabi ng Gabrielle sa kausap

"syempre nakakaintindi top 1 kaya ako sa class" mayabang ng sagot ng bata. Di napigilan ni Elize na matawa ng malakas dahil ayaw patalo ng anak.

"I wish to see you, can you download a messenger so we can video call?" dirediretsong sabi ni Gabrielle

"Ano daw po lola di ko naintindinhan" baling nito sa lola

"Aba di ko alam, kayo nag uusap eh" natatawang sagot ng lola.

"Sabi nya anak magdownload ka ng messenger sa cellphone kaso di pwede yun sa phone ni lola Gabrielle" pagpapaliwanag nito sa mga paslit

"Oh that's sad, their phone is low tech" prankang sabi Gabrielle.

"Yes, pag uwi ko anak bibili akong bagong phone nyo ni lola" sabi ni Elize sa anak.

"Ysa, do you have playmates there" tanong Gaby

"Yes! plenty..."sagot ni Ysa. Natawa naman si Elize sa anak.

"Really? What do you play?" naexcite na tanong ng bata

"Ammmm..tumbang preso, taguan, basta takbuhan. Minsan bahay bahayan" sabi ni Ysa

"How is that? I don't know those games" nalulungkot na sabi ng bata "When I come with Nanay in your place, I want to play that also" sabi ng bata "I got lot of toys but no playmate" parang kawawang sabi ng bata. Na sya namang nadinig ni Fernan.

"Of course, tapos maligo tayo sa ilog" naeexcite na din sabi ni Ysa.

"What is i-log?" tanong ni Gaby. Napakamot ng ulo ang ama na tatawa tawa

"Ilog? ahhh it's like a swimming pool pero di napapalitan yung water" di malaman ni Ysa pano ipapaliwanag.
Tawa ng tawa sina Fernan at Elize na lumayo muna sa batang nag uusap.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Elize kay Fernan. "Ako nagluto, pinakbet at lechon kawali" sabi nito habang naglalakad sa kusina.

"Wow! sarap. Sige kain na tayo" sabi sa dalaga at tinulungang maghain

"Pero kumain na ko eh" nakangiting sabi ng dalaga

"Kumain ka na lang uli please" naglalambing na sagot ni Fernan.

Kakain na dapat sila ng biglang kumakaripas ng takbo si Gabrielle dala ang cellphone ni Elize

“Daddy, Ysa wants to talk to you” sabi ni bata kay Fernan sabay abot ng phone

“To me? Why?” Nakangiting sabi ni Fernan sabay tingin kay Elize. “Hello” malambing na bungad nya

“Hello po!” malambing na sagot ni Ysa
“Hi Ysa, si tito Fernan eto, gusto mo daw ako makausap?” nakangiting sabi ni Fernan at nakatingin kay Gaby
“Yes po…hihihi..sabi po ni Gaby” parang nahihiya pa ang bata magsalita “pwede ko daw po kayo tawaging Daddy?” inosenteng tanong ng bata Natawa naman si Fernan at ganun din si Elize ngunit namula sa sinabi ng anak

“Syempre naman” mabilis na sagot ni Fernan

“Talaga po?” ramdam ang tuwa ng bata sa kabilang linya

“Oo naman” ulit ni Fernan

“Yehey!” di man nila nakikita si Ysa ay ramdam nila kung gaano ito kasaya at para napatalon pa ito sa tuwa. “Lola, may daddy na po ako” tuwang tuwang balita sa lola. “Tsaka meron pa po” tuwang tuwa pa rin ang bata

“Ano daw yun?” sabi uli ni Fernan

“Pinapatanong po ni Gaby kung pwede daw po nya tawaging Mommy yung Mommy ko po” tanong uli ni Ysa
Napatingin si Fernan sa anak na parang nagsusumamo, at ibinaling ang tingin kay Elize na tila ba nag aantay ng isasagot nya

“Ok lang ba sayo na tawagin nyang mommy ang mommy mo?” binalik ni Fernan ang tanong sa bata

“Syempre po” mabilis na sagot ni Ysa

“E di sige, Mommy na rin nya ang mommy mo” masayang sagot ng lalake.

Nagtatalon sa tuwa si Gabrielle at muling kinuha ang cellphone sa ama “I told you…now you have a dad..and I have a Mom too! That’s great!” tuwang tuwa ang mga paslit.

Muling bumalik si Gabrielle sa kuwarto, tila ba marami pa silang pag-uusapang dalawa.

Napatingin si Fernan kay Elize at nagulat syang makitang lumuluha ang dalaga, nilapitan nya ito at hinawakan sa mukha

“Oh bakit ka umiiyak?” nakangiting tanong ni Fernan sa dalaga

“Wala lang, naawa lang ako sa mga bata, yung pakiramdam na kulang sila kasi walang mommy, walang daddy..lalo na si Ysa, sa buong buhay nya wala syang natatawag na daddy…ngayon pa lang” tila ba naghahabulan ang mga luhang tulo sa kanya mata.

“Shhhh…tama na” sabay yakap sa dalaga “Wag ka na umiyak, ang gwapo naman ng Daddy ng anak mo eh” tumatawang sabi ng lalake

Natawa na rin si Elize “Halika na nga kumain ka na nga at baka nalilipasan ka na ng gutom” pinahiran na nito ang mga luha habang tumatawa sa sinabi ng binata.

Sumunod naman si Fernan “Ikaw kontra ka! Gwapo naman ako di ba?” tumatawang tanong ni Fernan kay Elize

“Oo na nga” sabay pa silang nagtawanang dalawa.

Di matumbasan ang sayang nadarama ni Elize sa tuwing kasama nya Fernan ngunit batid nya sa sarili na merong kulang. Di nya alam kung sadyang di lang pala-I love you ang lalake o sadyang di sya nito mahal. "Kailangan pa bang tanungin yan?" naalala nya ang sabi ni Aling Tuding sa kanya ng tanungin nya ito kung mahal kaya sya ng lalake. "Mag aassume ba ako na kami na...assumerang frog lang ang peg ko" naiinis na sabi sa sarili.

"Bakit mo ba ako tinititigan" natatawang sabi ng lalake bago sumubo..."Gwapong gwapo ka talaga sa akin noh" pangungulit nito

"Alam mo masyado kang bilib sa sarili mo" sagot ni Elize na natatawa na rin.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon