Maghahating gabi na dumating si Fernan sa bahay, inunang sinilip ang kwarto ng anak umaasang makikita si Elize. Ngunit nalungkot syang makitang si Aling Bising ang katabi ng bata, ibig sabihin ay tumuloy ding umuwi ang dalaga. Di na ginawa pang kumain at dumiretso na sa kuwarto nya. Pinilit matulog.
Gawa marahil ng sobrang pagod at pag-iisip, tanghali na nagising si Fernan kundi pa siya pinuntahan ng anak ay di mamalayan ang oras.
“Daddy, wake up please” sabi ng bata sa ama habang niyuyugyog ito “Mommy went home to Ysa, Manang Bising is busy outside, I don’t have playmate” tuloy tuloy na sabi ng bata
“Sorry anak, what time did your Naynay leave our house” pupungas pungas pang sabi ni Fernan sa ana.
“You mean Mommy? She left around 5pm” tinama pa ang ama sa tawag nya kay Eize.
“Ok, Mommy” sabi ni Fernan at ginulo ang buhok ng anak bago kinarga palabas ng kuwarto.
Ramdam na ramdam ng mag-ama na wala si Elize. Sa ilang buwan nilang magkakasama parang kulang na ang saya pag wala ito.
“I miss Mommy, Daddy”
Pinaghahanda sila ng hapunan ni Aling Bising ng maalala ang pagpunta ni Aling Lydia “Sya nga pala Fernan, may ipinabibigay si Lydia na papeles daw ng bahay sa Nueva Ecija, kukunin ko lang sa kuwarto” sabi ni Aling Bising
“Si Nanay Lydia po? Kelan po sya pumunta dito?” nagtatakang tanong ni Fernan
“Nandito sya kahapon, di ba nabanggit sayo ni Elize” pagtatanong ng matanda
Parang ang bilis ng tibok ng puso ni Fernan “Nagkausap po ba sila ni Elize” may kabang tanog nya
“Oo, magkakilala pala ang dalawang yan” walang muwang na sabi ng matanda
“Nag-usap po ba sila ng silang dalawa lang” naparanoid syang bigla sa nalaman
“Di naman. Nakaharap kami ni Gaby nung mag-usap sila. Pero parang may tinatanong nga sya kay Elize kung alam na ba ang lahat. Pero nung tinanong ni Elize kung ano, parang iniba nya ang usapan. Di ako sigurado pero ganun ang basa ko sa kanya” Pagkukwento ng matanda.
Di nya alam kung ano ang nararamdaman nya, ngunit isa lang ang sigurado, kailangan nyang puntahan ang dalaga. “Prepare your things honey, we will go to your Mommy’s place” seryosong ngunit pinilit ngumiti sa anak.
“Really! Yehey!!!!” tuwang tuwa ang walang muwang na bata.
Matapos silang maghapunan ay naghanda na sila ng gamit. Si Fernan naman ay chineck kung pano papunta sa address ng dalaga na nasa resume. “Salamat sa technology” bulong nya sa sarili. Isinama na rin nya sa dadalhin ang resume ng dalaga. “Honey, you need to sleep now, we are leaving by 12 midnight today. Okay?” malambing na sabi ni Fernan sa anak
“Is there a problem daddy?” nakatitig sa ama ang bata habang nagtatanong
Tila nagulat naman si Fernan sa tanong ng anak. “Why are you asking me that? There is no problem” pagsisinungaling nya sa anak.
“Daddy, there is nothing to worry about mommy. She loves you so much” nakangiting sabi ng bata na para kino-comfort ang ama.
“You think so, honey?” may pag aalalang sagot ni Fernan
“I am very sure daddy, so stay calm” kumindat pa ang bata bago pumikit para matulog.
Di na nakatulog si Fernan kahit anong pikit ang gawin nya. Kinarga na lamang nya ang anak pasakay ng kotse, kasarapan ng tulog ng bata at di na nya ginising. Di nya binilisan ang takbo para maliwanag na sila dumating sa Nueva Vizcaya. Jollibee Solano ang landmark na kailangan nyang mahanap.

BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny