Chapter 14

7 0 0
                                    

Simula ng dumating sa bahay si Fernan ay di na sya mapalagay ang tanging pinanghuhugutan nya na lamang ng lakas ng loob ay ang salita ng anak "Mommy loves Daddy, Im sure we will come with Ysa" wika nito bago sya umalis. Mahal na mahal nya si Elize pero naduduwag syang harapin ito sa pagkakataong ito. Alam nyang medyo arogante syang bigyan ng deadline ang babae pero gusto nyang malaman habang maaga pa kung meron nga ba syang hihintayin.

Makapananghalian ay umalis sya para bumili ng materiales. Natatawa man sa naiisip pero magbabakasali sya. "I will proposed, the corniest thing to do" sabi nya sa sarili. Palibhasa di pa uso ang proposal ng namanhikan sya kay Darlene, kaya first time nya gagawin ito.

Habang daan ay iniisip na nya kung paano ang gagawin nyang proposal. "Darating sila bukas" sabi nya sa sarili. Mabilis nyang nabili ang mga kailangan nya tanging singsing na lang ang kulang. Di kasi sya sigurado sa sukat ng daliri ng babae.

"How can I help you Fernan" sabi ni Rizza. Suki na nila ito pagdating sa mga alahas kaya ito ang naisipan nyang puntahan.

"I need an engagement ring but the problem is don't what size to get" nakangiting sabi nya

"Naku finally, mukhang magkakaroon ka na uli ng buhay aside from your daughter. I know Darlene will be happy" sabi ng babae, ngiti na lang ang sinagot ni Fernan. "Payat ba sya, mataba? Mag aassume na muna tayo and lets hope na magkasya sa kanya. These are our new arrivals, for me this is simple but elegant. What do you think?" inabot sa kanya ang singsing.

Maganda ang singsing, platinum diamond ring, simple lang ang design

"Sige kunin ko na to, pano kung di magkasya?" nakangiting sabi ni Fernan at dinukot ang cheque.

"Ikaw pa ba? Ang tagal na ng pinagsamahan natin but I am hoping na kasya, I can't imagine kung hindi" natatawang sabi ni Rizza "She is such a lucky girl" dagdag pa nito

"Mas swerte ako if she says yes" nakangiting sabi ni Fernan bago tuluyang tumalikod.

Pagkatapos makuha ang singsing ay umalis na rin agad si Fernan. Sobrang na-ooverwhelm na sya sa ginagawa nya. Pag-upo ng sasakyan ay tinawagan agad ang bestfriend

"Pare! Busy ka ba bukas? Can I ask your help, I need you pare" Natatarantang sabi ni Fernan kay Joebert

"Well with that kind of request, how can I say I am busy?" tumawang sabi ng kaibigan. "What can I help you?" tanong nito

"I am proposing tomorrow, can you play piano on the background...oh men! This is my first time to do it" at sinabayan ng malakas na tawa

Tumatawa na rin ang kaibigan "Stop joking pare. Ano nga ang maitutulong ko sayo seriously" di makapaniwalang sabi ni Joebert

"I am serious pare, I am hoping that they will come home tomorrow and I want a surprised proposal" seryosong sabi ni Fernan, wala naman reaksyon ang kaibigan "Joebert pare! I am damn serious!" tumatawang sabi ni Fernan

"Oh men! I can't believe you! Kung kelan ka tumanda tsaka ka naging corny" tumatawang sagot ng kaibigan

"Right pare, maybe because I can't afford to lose her" seryosong sagot ni Fernan

Natahimik ang kaibigan "Ok, I will be there tonight to help you. Kahit na never ko pa sya na meet and proposal na agad" natatawang sabi ni Joebert.

"Thanks Pare!" sabi ni Fernan at pinaarangkada na ang kotse

Kinausap ni Fernan si Aling Bising tungkol sa plano niya at tuwang tuwa naman ang matanda, boto kasi ito kay Elize para kay Fernan. Nangako ito kay Fernan na aayusin ang buong paligid at tutulong na rin sap ag aayos ng mga rose petals na binili ni Fernan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon