"Eto na yung bahay?" tanong ni Edna kay Elize
"Oo, inalis na kasi nila yung clinic kaya para nakakapanibago, halika magdoorbell tayo" sabi ni Elize
Halos katataas lang ng araw ay umalis na sila ng Nueva Vizcaya kagustuhan makabalik din sila agad. Dalawang oras din mahigit ang nagging byahe nila dahil sa traffic sa San Jose. Mas luma na ang bahay ngayon kumpara ng dito pa sya tumutuloy, nawala na rin ang clinic ng doktora sa harap ng bahay. Pero ng sabihin nila sa tricycle driver na sa clinic ni Dra Carmela, dito pa rin sila inihatid.
Nakadalawang doorbell muna sila bago may nagbukas ng gate "Kuya Roman! Kumusta po?" bungad ni Elize.
"Si Elize ka na ba? Ang ganda mo lalo ngayon" bati naman ni Roman. "Hala pasok kayo, tiyak na matutuwa ang Ate Lydia pag nakita ka" abot hanggang tengang sabi ng lalake
"Siya nga po ang sadya namin, nandiyan ho ba sya?" sabi ni Elize
"Namalengke lang saglit pero malamang pabalik na yun" Dumiretso sila sa loob ng bahay.
Parang nagbalik sya sa panahong dito pa rin sya tumutuloy. Walang pinagbago ang bahay, maaliwalas pa rin ito at maayos. Pati ang mga lumang litrato ay di pa rin napapalitan. Nilapitan nya ang mga litratong naka-frame sa ibabaw ng bookshelves, larawan ito ng doktora, bata pa ito sa ibang kuha. Maya maya pa ay katabi na nya si Edna at itinuro ang isang litrato. Group picture ito nung graduation ng doktora, napatingin sya kay Edna at tumango naman ang kaibigan nagkaintindihan na sila. Si Fernan....kasama sa larawan.
"Kanina pa ba kayo anak" sabi ni Aling Lydia na humahangos bitbit ang mga pinamili. Muntik ng mapasigaw ang dalawa sa gulat sa matanda
"Di naman po Nay Lydia" mabilis na sagot ni Elize
"Alam kong pupuntahan mo ako, pero di ko inaasahang ganito kabilis" sabi ng matanda bakas ang lungkot sa mukha
"Nay, gusto ko pong malaman ang totoo" diretsahang sabi ni Elize
"May kukunin lang ako sandali" paalam ng matanda.
Muling naupo ang magkaibigan at inantay ang pagbabalik ni Aling Lydia. At di naman nagtagal ay bumalik ito dala ang isang sobre
"Pinabibigay sayo yan ni Doktora, baka daw bigla mag-krus ang landas nyo ni Gabriel at magtanong ka" inabot sa kanya ng matanda ang sobre "Nasa malala na syang kondisyon ng isinulat nya yan, palihim nyang iniabot sa akin" naiiyak na wika ng matanda
Dear Elize,
Patawad.
Di ko alam kung mababasa mo ang sulat na ito. Pero alam kong pag nabasa mo ito ibig sabihin alam mo na ang lahat at sana mapatawad mo pa ako.
I took advantage of your vulnerability and I know it's not right but believe me, it was with good intention. Alam kong mahihirapan kang buhayin silang dalawa knowing na nawala na ang father nila.
Late na nadetect that you are conceiving a twin and it happened in one of the lowest point in my life. After the day, my doctor confirmed that I have cancer in uterus stage 2, I don't have the strength to face my husband. Alam kong di nya kakayanin karerecover lang nya from his mother's lost. I stayed in our house, then you came. The moment I saw the babies on the screen, I saw my husband carrying the other baby. From that hour, naisip kong itago ang lahat. I can't imagine leaving my husband alone. It's very selfish for a doctor like me but I am only human.
When you gave birth, the other baby is so weak and needed to be incubated for almost one month. It's Gaby. I remembered before you go home from the clinic, you peeked on the baby at the incubator and I hold my breath for a second and pray that you won't notice how they looked alike. And maybe God favored me.
We love Gaby so dearly, she was our instant life. During the saddest part of our life, there she was...making everyone strong.
Ilang araw na lang ang ilalagi ko sa mundo, how I wished to see you again but I feared na hindi ko kakayanin ang panunumbat mo. Sana mapatawad mo ako at sana may puwang pa ako sa langit.
I am so sorry for the lost moment for you and Gaby. Thank you for stolen happy moments with her. I know you have a good heart to forgive me. Pag nakaakyat ako sa heaven, hihilingin ko sa Panginoon na pagtagpuin ang landas nyo ni Fernan, you both are good person and I am praying na sana kayo na lang ang bumuo ng pamilya ng kambal.
I love you Elize and I know you know that...I am sorry
Love,
Carmela
Natapos basahin ni Elize ang liham na umiiyak, umiiyak sa sama ng loob pero di galit. Maraming panghihinayang ngunit di sapat upang kamuhian nya ang Doktora.
"Sana anak mapatawad mo kami sa kasalanang ito" malungkot na sabi ni Aling Lydia
"Nay, napakabuti nyo po at nananiwala akong mabuti kayo di dahil sa may kapalit. Masama po ang loob ko sa nangyari aaminin ko pero mawawala din po ito" sabi nya sa matanda at niyakap ito. "May gusto lang po akong malaman" sabi nya sa matanda
"Ano yun anak?" tanong ng matanda
"Alam po ba ni Fernan ang lahat?" lumuluha pa rin si Elize
"Ang alam ko wala syang alam, maliban na lang kung ipinagtapat sa kanya ni Carmela ang lahat bago ito nawala" seryosong sagot ng matanda
Para syang nabunutan ng tinik. Pero ganun pa man di pa nya alam kung paano haharapin ang lalake, masakit pa ring isipin na di sya nagging parte ng paglaki ni Gaby. Kung Gabrielle nga din kaya ang ipapangalan nya dito kung sakaling sa kanya ito lumaki. Pero isa lang ang sigurado, di nito natamasa ang karangyaan tinatamasa kung sa kanya ito lumaki.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
Roman d'amourSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny