Chapter 13

3 0 0
                                    

Di nag-uusap sina Elize at Edna sa bus pauwi ng Nueva Vizcaya. Di malaman ni Elize kung tagumpay bang matatawag ang lakad nila. Habang tumatagal parang nakakaramdam sya ng hinanakit sa mga nangyare, hinanakit na alam naman nyang wala na ring saysay.

"anong balak mo?" binasag ni Edna ang katahimikan

"Di ko alam. Gusto ko muna mag-isip, ayaw kong gumawa ng hakbang na makakapanakit ako ng damdamin....lalo na ng mga mahal ko" si Fernan at Gaby ang tinutukoy nya. "Kailangan bang may gawin ako? Pwede bang hayaan ko na lang ang lahat total wala na si Doktora?" tanong nya sa kaibigan

"Ikaw lang ang makakasagot nyan, pakiramdaman mo ang sarili mo. Mahal mo naman si Fernan di ba?" tanong ni Edna

Malayo ang tingin ni Elize, pilit kinakapa ang nararamdaman. "Eh sya ba mahal nya talaga ako o he want me to stay just because of Gaby? Naguguluhan pa ko" naiiyak na sabi ni Elize.

Madilim na ng nakarating si Elize sa bahay, di na siya hinatid ni Edna. Di nya alam kung dapat bang sabihin sa ina ang lahat.

"Nay" tawag nya sa ina, nakasara na kasi ang pintuan nila

Narinig nya ang tawa ni Ysabel na parang tuwang tuwa. Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya

"Mommy!" sabay halik sa kanya

"I love you anak" sabi nya sa anak at niyakap

"May surprised po ako sa inyo, dali pikit mata nyo" sabi nito sa kanya, tumatawa naman ang ina nya na nanonood lang sa kanila. Nilagyan pa sya nito ng panyo sa mata para daw wag syang mandaya

"Ano ba yun anak" pagod man ay pinilit nyang makipaglaro sa anak

"Wait lang po ha kukunin ko lang, wag po kayong mandadaya ha, babantayan kayo ni Lola" tumatawa pa ito at inilabas ni Gabrielle sa kwarto "Ok pagbilang kong ng tatlo pwede na po nyo alisin yung piring nyo" tuwang tuwa si Ysa habang hawak hawak si Gabrielle na nakatakip naman sa bibig pinipigil ang tawa. "one, two, three" bilang ni Ysa

"Surprised!" sabay na sigaw ng kambal

"Gaby!?" halos patakbong niyakap ang anak at luminga linga, hinahanap si Fernan "Sino kasama mo?"

"Daddy, but he left already" diretso sagot ng bata "We waited the whole day and then he decided to go home" dagdag pa nito

"Ha? Bakit? Anong oras ba kayo dumating?" dirediretsong tanong ni Elize

"Pagtalikod nyo syang dating nila" si Aling Tessie na ang sumagot. "Kumain ka na ba? Lika kumain ka muna, mga apo maglaro na muna kayo sa kwarto nyo" sabi ni Aling Tessie

Mabilis naming tumalima ang mga bata. Naupo na rin si Elize sa mesa.

"Bakit po umalis agad si Fernan?" tanong ng dalaga

Ngumiti ng mapakla ang ina "Natatakot syang magalit ka sa kanya, di ka pa daw nya kayang harapin sa ngayon. Pero may iniwan siya sa akin" dumukot ito sa bulsa at isang sulat ang inabot sa kanya

Napabuntong hininga sya, "pangalawang sulat na ito sa araw na to" bulong sa sarili. Binasa nya ang sulat ni Fernan

Elize,

The first time I saw you, believe it or not, humanga agad ako sayo. It's the first time after I lost my wife. Akala ko di na ko uli magkakainterest sa babae. Everyday nakikita ko pano mo alagaan si Gaby and with that I didn't noticed that the simple admiration I have for you grows until I learned na magkamukha sina Ysa at Gaby, akala ko you planned everything to get Gaby. Pero hindi...naramdaman ko na wala kang ganun plano. Sabi ko sa isip ko baka di nman talaga sila magkamukha. Sabi kasi sa akin ni Darlene pinaampon sa amin ng totoong mother ni Gabrielle ang bata dahil di kayang suportahan financially. But then, here comes Edna, when she saw Gaby, sobrang nagulat sya at sinabing parang pinabiyak na bunga ang dalawa, and even suggested me to checked on your facebook. First time to check facebook and there I saw you with Ysa, during her recognition day. Di na ko nagdalawang isip, the following day I went to Batangas to checked on Darlene's things. And I found her diary, in as much as I want to give it to you personally, natakot ako...natakot akong mawalan uli...mawala ka sa kasalanang di ko alam.

Gusto ko pag-isipan mong mabuti, I am leaving Gaby in case you decided that you don't love me anymore, in case hatred took over your heart. Because I know, eventually, you will still get Gaby if you decided to walked away with your promised to stay for us no matter what. But if you chose to stay and accept me whole heartedly, I'll be waiting for you home, please bring the kids with you. I'll be waiting until Sunday, kung wala ka pa until Sunday I will assume na I'll be alone for the rest of my life.

I love you so much Elize and I want to spend the rest of my life with you...with Gaby, Ysa and Jun-jun soon :)

Love,

Fernan

Agos na naman ang luha nya. Lumapit sa kanya ang ina at hinagod ang likod nya.

"Mahal na mahal ka nya anak, wala syang alam sa mga nangyare" sabi sa kanya ng Ina. Napatitig sya dito, tumango ito at inabot ang diary. "Basahin mo ito at tsaka ka magdesisyon"

Yumakap sya sa ina at humagulgol "Salamat Nay" ang tanging lumabas sa bibig nya.

Mahimbing na ang tulog ng kambal ngunit si Elize binabasa pa rin ang diary. Gumaan ang pakiramdam nya habang binabasa ang diary. Nanduon din kasi yung mga masasayang panahon na kasama nya ang doktora. Nalaman din nya kung paano, muntik ng mawala si Gaby ngunit dahil sa doktora ay nailigtas ang anak. Naaalala pa nya ang batang nasa incubator na dadalhin sa Maynila para daw matingnan ng specialist pero di nya nakita ang mukha ng bata. Naalala nya ang taning nya kay Fernan, "sabado na bukas" sabi nya sa sarili.

Maaga syang nagising, ipinaghanda ang mga anak ng almusal. Natutuwa syang pagmasdan ang kambal na di man magkasama lumaki ay parang magkasundong magkasundo. Ngunit di pumayag na di sya matutulog sa gitna ng mga ito.

"Anong plano mo?" tanong ni Aling Tessie sa kanya.

Ngumiti sya s ina. "Mahal na mahal ko na si Fernan, Nay" sabi nya sa Ina "At Nakita ko kung gaano sya kabuting tao, di sya mapagsamantala. Alam nyang mahal ko sya, pero di po yun nagging dahilan para mag-take advantage sya" bumuntong hininga sya at ngumiti "Bakit kasi di pa nya ako inantay eh" natatawang sabi ni Elize sa Ina.

"Eh anon a ang balak mo?" natatawa na rin ang Ina

"Puntahan ko po mamaya si Mang Temyong, di po ba meron silang van for rent, parang mahirap po ako i-commute si Gaby" paliwanag nya sa Ina.

"Sige, maaga mo puntahan at laging may nagrerent duon" sabi ng ina

"Opo Nay" sagot ni Elize

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon