Si Fernan...Halos makalahati na nya ang bote ng Jhonny Walker at medyo may tama na din sya. Ilang araw na syang di mapalagay, simula ng manggaling sila sa Batangas ng dalaga. Alam nyang mahal na nya ito ngunit nag aalala pa rin sya tungkol kay Gabrielle. Ampon lang nila si Gabrielle, dalawang taon na silang kasal ni Darlene ngunit di sila magkaanak. At isang araw nga ay umuwi itong may dalang bata, ayon sa asawa pinaampon daw ito ng magulang ng bata dahil kambal ang isinilang at di kayang suportahan. Kaya ng nabanggit sa kanya ni Elize na kamukha ng anak niya si Gabrielle ay napaisip sya kung ito ba ang ina ng bata. Plinano ba ng dalaga ang mapunta sa kanila? Narito ba ito para kunin ang bata? Isipin pa lang ang mga ito ay parang di na nya kakayanin. Di na nya kakayaning mawala isa man kina Gabrielle at Elize.
Halos isang buwan din nyang pinakiramdaman ang dalaga ngunit tila nga wala itong alam kung ito man ang sinasabi ang ina ng kambal. Ayaw tanggapin ng utak nyang nagsinungaling sa kanya ang asawa. Di ito kayang gawin sa kanya.
Ngayon ay dagdag pa sa isipin nyang posibleng maagaw si Elize ng kaibigan, si Jordan. Di sya selosong tao pero nang makita ang dalawa nung sabado ay di na sya lalo mapanatag. Ramdam nyang gagawin lahat ng lalake para sa pagkakataon ito ay mapasakanya na ang dalaga.
Di rin nya mabawalan ang dalaga sa pakikipag-usap sa lalake, wala syang karapatan..."my boss" di maaalis sa isip nya kung paano sya ipinakilala ng dalaga. Nagdadamdam man gusto nya unawain ang dalaga. Akala nya tama na ang mga actions nila, "mutual understanding ba" sabi nya sa sarili ngunit di pala.Kailangan na nyang kumilos bago pa tuluyang mawala ang dalaga sa kanya. Napagpasyahan nyang muling bumalik sa batangas at harapin ang gamit ng asawa na itinago simula ng mawala ito. Magbabakasakaling may makita syang sagot sa mga katanungan nya. Pero umaasang mali ang naiisip. Ipapa DNA test na rin nya ang dalawa
Nagising si Elize sa vibrate ng phone nya. Si Jordan ang nasa kabilang linya, lumabas pa sya ng kwarto bago sinagot ang phone at baka magising si Gabrielle.
"Hello" mahinang sagot nya at lumabas na sa sya sa gawing sala para di makaistorbo ng mga natutulog. Palibhasay sa kausap ang atensyon, di nya napansin si Fernan na nasa gilid ng sofa.
"Natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita" tanong ni Jordan
"Ok lang, di ko namalayan nakatulog ako eh" sabi nya sa lalake.
"O ano napag-isipan mo na ba yung inooffer ko? Pwede kita ipasok dito sa office namin" sabi ni Jordan
"Ano ka ba! Di ko sila kayang iwan ng ganun ganun na lang. Napamahal na sa akin si Gabrielle kahit ilang buwan pa lang kaming magkakasama, sabi ko nga sayo para ko na syang anak" sabi ni Elize kay Jordan. Napakunot naman ang noo ni Fernan sa narinig sa dalaga
"Sayang nman kasi ang qualifications mo kung magiging yaya ka lang" sabi uli ni Jordan.
"Minsa naiisip ko rin yun, kaso aanhin ko naman ang trabaho sa office kung di naman ako masaya" paliwanag ng dalaga
"Ok, pag-isipan mo rin ha" sabi ni Jordan
"Sige pag-iisipan ko, balitaan kita" sabi ni Elize
"Maiba ako, pwede ba tayo lumabas on Saturday, yung tayong dalawa lang" seryosong sabi ni Jordan
"Naku di ako sure kung pwede uli ako lumabas eh, bakit tayo lang masaya kung group tayo" sagot naman ni Elize
"Ehem" sabi ni Fernan.
Nagulat si Elize nakitang naduon pala si Fernan. Di nya alam kung lalayo ba sya o papatayin ang phone. Tumayo sya palayo sa sala at saglit lang ay pinatay na rin ang cellphone.
"Nanliligaw na ba sya uli sayo" seryosong tanong ni Fernan kay Elize
"Hindi naman magkaibigan lang kami" maikling sagot ni Elize at didiretso na sana sa kwarto
"Elize, can we talk" Seryosng tanong ni Fernan. Huminto si Elize at tumingin sa kinaroroonan ng lalake "Please sit near me" sabi ng lalake at sumunod nman ang dalaga.
Ilang araw ng tahimik ang lalake at parang iniiwasan sya dahilan para mailang na din si Elize
"Are you leaving us soon?" may hinanakit na tanong ni Fernan
"No, narinig mo naman di ba?" natatarantang sagot ni Elize
"Yeah, narinig ko sabi mo pag-iisipan mo" malungkot na sagot ni Fernan. "Di ba may kasunduan na tayo,..that you will stay?" mahinang sabi ni Fernan "Do you love him?" tanong uli nito
"Sino? Si Jordan?" medyo naiirita ng tanong nito. "Hindi noh, kaibigan ko lang sya. Nanligaw sya sa akin dati kaso binasted ko sya dahil di ko naman sya mahal..hanggang kaibigan lang" paliwanag niya kay Fernan
"Bakit ganun na lang yung saya mo nung makita mo sya sa mall. Halos ayaw mo na bumitaw sa pagkakahawak sa kanya?" halatang may inis sa boses ng lalake
Nagulat si Elize sa sinabi ng lalake"Ha? Dapat mo bang bigyan ng ibang ibig sabihin yun. Magkaibigan kami actually close talaga kami" parang bigla sya naiinis na parang inaakusahan sya ng lalake. "Nagseselos ka ba?" tanong nito na medyo malakas
"May karapatan ba ko?" malungkot pa din ang boses ng lalake. "I am just your boss! right?" medyo madiing sabi ni Fernan
Naiiyak na si Elize "Yes, you are just my boss!" madiin ding sabi ni Elize, pilit hinahanap ng mata ng lalake sa dilim "Bakit may higit pa ba doon?" inis na sabi nya. Nagulat na lang sya ng bigla tumayo si Fernan at hinalikan sya. Madiin, parang galit, pilit nyang tinutulak ang lalake. "Ano ba Fernan, nasasaktan ako!" umiiyak ng sabi nya.
"Akala ko nagkakaintindihan na tayo" madiin pa rin sabi ni Fernan. "Dumating lang si Jordan nagbago na ang lahat"
"Wala akong naiintidihan, di ako manghuhula" humahagulol na sabi ni Elize. "Nangangapa ako, di ko alam kung nasaan ako...diyan" sabay turo sa gawing puso ng lalake
Parang binuhusan ng malamig na tubig ai Fernan at nagulat sa inasal. Niyakap nya ang umiiyak na dalaga.
"Di ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko...kung tama bang buksan kong muli ang puso ko" umiiyak pa ring sabi ni Elize. Itinaas ni Fernan ang mukha nya at marahang dinampian ng halik.
"Please stay, not just for Gaby. Stay for me" pabulong na sabi ni Fernan.
Tinitigan ng dalaga ang lalake "Bigyan mo ako ng sapat na dahilan to stay for you" tumutulo pa rin ang luha.
Muli syang niyakap ni Fernan "I can't live without you anymore, Elize" garalgal ang boses na sabi ni Fernan "I love you so much Elize, isipin ko pa lang na magmamahal ka ng iba at iiwanan mo ako para na akong sinasaksak" dagdag pa nya
Lalong humagulgol si Elize at gumanti ng yakap sa lalake. Pero ngayong ay iyak na may kasamang saya, finally narinig na rin nya ang inaantay.
"For once Elize, stay for me" lalong humigpit ang yakap ni Fernan.
Humihikbi pa si Elize ngunit nakangiti na "I will Fernan, that's all I need to hear. I love you so much" sagot nya.
BINABASA MO ANG
Destined To Be Yours
RomanceSadyang mapaglaro ang tadhana. Tinadhana nga ba sa isat isa sila Fernan at Elize. Si Gaby nga ba ang ticket to their destiny