Randomness #2: Paalam

9 0 0
                                    

Minsan sa sobrang pagpapahalaga mo sa isang tao, nakakalimutan mong pahalagahan ang iyong sarili. Nakakalimutan mo kung may halaga ka nga ba sa taong pinahahalagahan mo. Nakakalimutan mo kung ano nga bang halaga mo sa kanya. May halaga ka nga ba?

Minsan sa sobrang pagaalala mo sa isang tao, nakakalimutan mo kung tama bang magalala ka sakanya. Nakakalimutan mo kung ikaw ba ang tamang tao para magalala sakanya. Bakit ka nga ba nagaalala?

Sino ka ba sa akala mo? Sino ka ba sa buhay niya? Sino ka para magalala sakanya? Napakasakit na tanong. Sino nga ba ako? Bakit ako nagaalala? Wala lang naman ako sa buhay mo, hindi ba? Ako lang naman yung taong nagpumilit na pumasok sa mundo mo kaya ngayong pinalabas mo ako, hindi ko na magawang makapasok pa.

Siguro nakakagulo lang ako sa buhay mo. Siguro sadyang hanggang dito na lamang ang lahat. Dating pagkakaibigan at pagmamahalan marahil ay dito na magtatapos. Lahat ng pinagsamahan ay ibabaon na sa limot. Bibigyan ka ng panahon na makapagisip. Ngunit kalayaan mo ang nais ko. Pinapalaya na kita. Sana maging masaya ka. Hindi ako ang taong para sa'yo. Hindi ako karapat dapat sa buhay mo. Patawad kung nagpumilit akong pasukin ang mundo mo. Patawad kung sinabi kong mahal kita. Patawad kung nagaalala ako. Patawad kung patuloy kitang pinahahalagahan at minamahal. 

Patawad.... 

Hanggang dito na lamang...

Simula ngayon ay tuturuan ko ang sarili na mamuhay sa mundong ito ng wala ka. Itutuloy ang mga istoryang naging bahagi ka ng pagbuo. Tatapusin mag-isa ang istoryang ating binuo. At higit sa lahat, pangangalagaan ang lahat ng iyong iniwan sa akin.

Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo. Kahit na hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti mo. Ang tanging mahalaga na lamang sa akin ay maging masaya ka kahit na hindi na ako bahagi nito. 

Isang malaking karangalan ang makilala ka sa mundo kung saan ako'y nag-iisa. Maraming salamat dahil inahon mo ako sa kalungkutan. Maraming salamat dahil ikaw ang taong naglabas ng aking tunay na kakayahan. Maraming salamat dahil ikaw ang unang taong nagpakita sa akin na may angking kakayahan ako sa oras na pagkatiwalaan ko ang aking sarili. Maraming salamat sa lahat. Habang buhay kitang pasasalamatan. 

Kung sakali mang puntahan mo pa din ako, ikatutuwa ko. Pero kung hindi na, mananalangin na lamang ako sa tadhana na sana ay pagtagpuin ang ating landas sa anumang paraan. Kung mangyari man iyon, yayakapin kita ng mahigpit at sasabihin na miss na miss kita. 

Dalangin ko ang katuparan ng lahat ng iyong pangarap. 

Paalam. 

Mamimiss kita.


PS. Hindi mo man sabihin, alam kong ako iyon. Isipin man ng iba na assuming ako, alam ko at tandang tanda ko ang lahat ng nangyari at napagusapan natin noon. 

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon