Best friend.
Dalawang salita ngunit may mabigat na kahulugan.
Minsan yang salitang yan, nagagamit nalang bilang tawag sa mga manliligaw na binasted.
Hindi na napaninindigan at nauunawaan ang tunay na halaga ng "best friend".
Paano kung yung best friend mo ay yung taong minahal mo na hindi naging kayo?
May pag-asa nga bang mapagbigyan ang mga puso?
May pagkakataon na ba na mahalin ang isa't isa?
Masasabi mo ba ang mga salitang: "Pwede na tayo"?
Best friend.
Di mo man kasama sa lahat ng oras. Alam naman niya ang lahat sa'yo.
Walang tinatago miski hibla ng buhok sa isa't isa.
Ngunit paano kung ang pagkakaibigang ito ay ginagawa niyo lamang bakod sainyong pagitan upang mapigilan ang mga dating nararamdaman?
Paano kung mahal mo pa?
Paano kung ang simpleng pagyaya ng pagkain ay nauwi sa mga pasimpleng chansing?
Paano kung ang pagnanais mong madama ang init ng kanyang palad ay nauwi sa pagkabulabog ng iyong puso?
Paano kung ang nakaw at patagong holding hands ay na-enjoy mo at ayaw mo na bumitaw?
Best friend.
Best friend pa nga ba kayo?
O ginagamit niyo lamang ito upang di lumalim ang nararamdaman?
"You will always have that special place in my heart" ika nga ng isa sainyo. Paano kung ang special place na ito sa puso mo ay mag-take place na at tuluyan nang mawala sa puso mo ang boy friend mo?
Gugustuhin mo ba?
Susubukan mo ba?
Pwede na nga ba?
O tadhana'y pinaglalaruan pa din kayo?
Handa nga bang kaharapin ang magiging kapalit?
Handa nga bang ipagpalit ang lahat?
Sa mga nangyari, sa mga pa-simpleng hawak at patagong holding hands,
Am I really your best friend?
Or...
You want me to be your girlfriend?
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
De TodoCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...