Randomness #14: Back off, Bitches

11 0 0
                                    

Dati iniisip ko, makikipagsabunutan ako at sisiguraduhin kong hahalikan ng malanding babae na nanlalandi sa boyfriend ko ang sahig.

Hindi lang 'yon, hihiram din siya ng pagmumukha sa aso at hindi niya na gugustuhin pang mabuhay.

Pero ngayong nararanasan ko, pwede kong pagsabihan sa chat, tutal dun naman nangungulit eh, pwede ko ring awayin.

Sorry pero ayoko kasi nung mga eksenang screenshot then post.

Masyadong childish. Pero pinaka effective way nga naman para manira ng buhay at mamahiya ng isang tao.

Lagi kong sinasabi 'yon sa sarili ko, iniimagine ko once na may manlandi sa boyfriend ko, kaya kong sirain buhay mo.

Pero ayoko pala. Ayokong mang-away. Ayokong pumatol. Ayoko ring kaharapin.

Una, busy ako para pagkaabalahan sila. Boyfriend ko nga di pinapansin chat nila, ako pa kaya?

Hindi ko kailangan ng assurance mula sa boyfriend ko na hindi niya ako ipagpapalit sa mga nanlalandi sa kanya.

Bakit? Nung mga panahong muntik ko na siyang ipagpalit, hindi niya nga ako iniwan eh. Ito pa kaya? Iwan ako para sainyo? No no. Wag umasa, bitch.

Pangalawa, hindi sa takot ako makipagusap or naduduwag ako para harapin sila. Isa lang ang dahilan ko, naniniwala kasi ako sa Diyos at ayokong gumawa ng hakbang na labag sa kautusan niya. Lalo't isang chat lang naman 'yan.

Ayoko rin namang makampante masyado. Dahil sa panahon ngayon, sa chat nagsisimula ang mga panlalandi at pangangabit.

But sorry, my boyfriend is too busy texting me to spend time chatting with you, bitches.

Pangatlo, kadiri. Nakakadiring pumatol sa mga gaya niyong bitch. Oo bitch. Alam mo na kasing may girlfriend eh. Kilala mo ako. Kinakausap mo ako. Nakita mo lang facebook ng boyfriend ko, kinalimutan mo na ako? Samantalang pagmumukha namin ang nasa dp niya at cover niya. Partida, nakahalik pa siya sa akin.

Anong kailangan mo te? Scandal namin para matigil yang kagagahan mo?

Hindi mo madadala ang bf ko sa pa hello hello mo. Hindi rin ako maniniwala oras na sabihin mong wala lang 'yon. Gagang 'to, hindi ako tanga. Alam ko na sa isang hello nagsisimula ang landian. At alam ko gaano ka kalandi sa personal. Tito ko nga nilalandi mo eh, matanda na 'yun. Ito pa kaya bf ko? Tanginang 'to.

LUMUGAR KA BITCH, BACK OFF.

Lastly, ito namang ex ng boyfriend ko, hanggang ngayon eh chat pa rin ng chat. Potangnangto. Naka-tatlong block na ako sa'yo dahil ayokong mine-message mo bf ko, aba talagang gumawa ka pa ng pang-apat na facebook mai-chat lang siya. Blinock mo pa ako ha? Edi block ka ulit sa fb ng bf ko. Hawak ko facebook niyan uy. Wala kasi siyang tinatago sa akin.

Teka nga, ex ka na nga eh, ano pang habol mo? Bakit ka nanghihinging number sa bf ko? Para saan ha? Tatayaan mo ba sa jueteng yung phone number niya?

Te, di ka na pinapansin, papansin ka pa rin, ano?

Wag ang boyfriend ko ate.

Pinagsawaan mo na siya at itinapon.

Pinulot ko siya at ibinangon.

Gusto mo bumagsak ulit siya? Ano ba hinahabol mo? Itlog ng boyfriend ko ha? May itlog din naman 'yang asawa mo ah.

Manahimik ka jan sa pamilya mo.

LEAVE US ALONE.

EX KA LANG! Wag ka ng umepal!

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon