(Original Version)
"Love? Ano ba 'yan? Nananahimik ako dito tapos guguluhin ako ng Love love na yan." Wika ko sa hangin habang lumuluha.
Nandito ako sa rooftop. Ang paborito naming lugar. Dito sa gusali na ito nagsimula at nangyari ang lahat...
Nakahawak ako sa railings at dinadama ang bawat hampas ng hangin sa aking mukha.
Ninanamnam ang bawat luha na pumapatak mula sa aking mga mata.
Mga kirot sa aking puso na hindi ko alam kung paano maiibsan.
Isang sakit na hindi ko alam kung paano ko babawasan.
Paano ko magagawang kalimutan ang lahat?
Paano ko kakayanin na itapon nalang ang lahat?
Paano ko aalisin ang sakit sa puso ko?
Gayong sakanyang pagkawala ay dala niya ang puso ko...
Pumikit ako at dinama ang lahat. Ang hangin, ang luha at ang masakit na damdamin.
Bumalik sa akin ang lahat...
Hindi ko sinasadyang makilala ang lalaking 'to sa isang group chat. Nung una, ayoko sa kanya dahil ang yabang, bastos, walang modo, gwapong gwapo sa sarili at akala mo siya na ang pinaka magaling na tao sa mundo.
Walang araw na lumipas na hindi ako nab-bwisit sakanya. He's even calling me with names and i hate that. Minsan pa, my loves, babe, darling, mhie, honeypie, bukopie, applepie at kung anu-ano pang corny endearments.
I hate him up to his bones!!!!
I really hate his existence!!!!
Pero ang malas malas ko dahil kahit iniiwasan ko siya sa group chat...
Kasama ko siya sa trabaho ngayon.
Bakit tadhana?!!! Bakit!
Ang galing mo rin mambwisit eh 'no?
Paano at bakit ko siya makakasama sa trabaho?
Tagos hanggang buto ang galit ko sa kanya tapos makikita ko siya dito?
At araw araw ko pa makakasama dahil ka-department ko siya!
ARGHHHHHHHHH! Nakakainis talaga!
Sa sobrang inis ko, binato ko ang papel na kanina pa lukot na lukot dahil sa inis ko.
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
AléatoireCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...