Randomness #6: Tell me, why?

8 1 0
                                    

Bakit ka pa bumalik? Bakit ka pa nagparamdam? Bwisit ka. Okay na ako. Kinakaya ko na ang mundong 'to ng wala ka.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko at anong sasabihin ko.

All I want is to guard myself from you. I don't want to get hurt again once you decided to leave again.

Ang sakit. Alam mo ba yun? Ang sakit sakit! Hindi mo alam. Kasi hindi ikaw yung naiwan sa ere. Hindi ikaw yung iniwan basta basta na parang tae!

Tao ako! Di ako tae para iwan mo basta! May pakiramdam ako!

Ayoko na.

Kinakaya ko na eh. Bakit pa? Bakit ka pa bumalik? Sana pala minadali ko yung sarili ko na makalimutan ka. Para na-unfriend agad kita, na-block at na-unfollow. In that way, hindi ko sana nakita na bumalik ka na. Hindi mo sana ako maii-message.

Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon?! Gustong gusto kong ipamukha sa'yo na OKAY AKO NUNG WALA KA! GUSTO KO MAKITA MO NA KAYA KO NG WALA KA. NA HINDI KITA KAILANGAN. NA WALA AKONG PAKEALAM SA'YO. Gusto ko iparamdam sa'yo na I'm better without you.

Now, tell me why you came back? WHY!


Lahat nalang ba ng tungkol sa'yo, WHY ang tanong ko? Walang katapusang bakit na kailanman hindi masasagot...

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon