Trivia: Sinulat ko 'to nung sumali ako sa isang writing contest dito sa watty, 3yrs. ago. 😂😂😂 Nahalukay ko lang ito sa drafts ko.
~°~
"Love knows no boundaries"
"Love? Ano ba 'yan? Nananahimik ako dito tapos guguluhin ako ng love love na yan." Wika ko sa hangin habang lumuluha.
"Kasi naman! Kung 'di baga naman ta-tanga tanga! Uto-uto! Gaga! Bobo!"
Lalo lamang akong naluha sa mga pinagsasabi ko sa sarili ko.
Hindi ko lang kasi matanggap ang nangyari. Paano ko ba tatanggapin?
Paano ko tatanggapin na sa minsan kong pagsubok na magmahal ang naging kapalit ay halos buong buhay ko?
Kailangan ba talaga pag nagmahal ka, maaapektuhan ang buong buhay mo?
Isang aspeto lang naman ng buhay ang pag-ibig dba pero bakit ganito ang epekto? Buong buhay mo ang kayang sirain.
Sabi nila sa akin noon, okay lang daw magmahal, wala daw masama doon.
Tanong ko naman, okay lang ba masaktan? okay lang ba masira ang buhay?
Nandito ako sa ngayon sa sea side. Ang paborito naming tambayan. Ang lugar kung saan nagsimula ang pagsubok ko na magmahal at dito din sa lugar na ito natapos ang lahat.
Dinadama ko ang bawat hampas ng hangin sa aking mukha.
Ninanamnam ang bawat luha na pumapatak mula sa aking mga mata.
Mga kirot sa aking puso na hindi ko alam kung paano maiibsan.
Isang sakit na hindi ko alam kung paano ko babawasan.
Paano ko magagawang kalimutan ang lahat?
Paano ko kakayanin na itapon nalang ang lahat?
Paano ko aalisin ang sakit sa puso ko?
Gayong sakanyang pagkawala ay dala niya ang puso ko...
Pumikit ako at dinama ang lahat ng ito.
Who knows? Baka ito na ang huling pagkakataon na makakaramdam ako ng sakit.
Baka ito na ang huling beses na makikita ko ang mundong ito.
Ito na ang huling beses na magmamahal ako at masasaktan.
Biglang bumalik sa akin ang lahat...
Noong mga panahon na nananatili pa ako sa mundong natatanaw ko...
Hindi ko sinasadyang makilala ang lalaking 'to sa isang group chat.
Group chat na samahan ng mga takot na magmahal dahil sa kanya kanyang istorya.
Mayroon doon na paulit-ulit na sinaktan ng boyfriend niya. Merong inabuso, merong pinagpalit sa bakla o matanda at meron din naman mas pinipili yung mga may kotse.
Ako? Ang istorya ko? Simple lang.
Takot ako magmahal dahil takot ako mamatay...
Una palang, ayoko na talaga sa kanya dahil ang yabang, bastos, walang modo, gwapong gwapo sa sarili at akala mo siya na ang pinaka magaling na tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
RandomCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...