Bakit nga ba hindi natin magawang bumitaw sa taong matagal na nating kasama?
Dahil ba sanay ka na sakanya? Komportable ka na? Kilalang kilala ka na niya? Nanghihinayang ka sa tagal ng pinagsamahan niyo?
Bakit mo panghihinayangan ang matagal na pinagsamahan niyo kung hindi ka na masaya? Bilang lang 'yun. Pwede kang maging masaya sa loob ng isang araw at kaya nitong mahigitan ang ilang taong relasyon mo.
Pero... Pagisipan mo pa ring mabuti kung kanino ka mas sasaya. Baka naman nadadala ka lang sa pakiramdam ng kinikilala niyo ang isa't isa at lahat ng ginagawa niyo bago at nakakakilig.
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
De TodoCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...