Prologue #7: My Corny Fantasy

8 0 0
                                    

Isang simpleng estudyante ngunit hindi siya pangkaraniwan.

Pinagdaraanan niya ang normal na pinagdadaanan ng mga estudyante ngunit may kakaiba sa kanya.

Walang nakakaalam ng kaibahan niyang ito kung hindi siya.

Paano niya nga ba ito gagamitin upang maipagtanggol ang sarili at mga kapwa estudyante?

---

"Ayoko na talaga! Pagod na pagod na ako! Nakakapagod na silang lahat!" Sinubsob ko ang aking pagmumukha sa laptop ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

Maya maya pa'y naguunahan na ang mga luha sa paglabas sa aking mga mata at naramdaman ko ang aking paghikbi.

Nasundan pa ng maraming marami hanggang sa hindi ko na napigilan pang umiyak ng malakas.

"Hirap na hirap na ako..." Turan ko sa aking sarili.

Yung lintik na eskwelahan na iyan! Mali mali ang ibinibigay na format para sa approval sheet sa thesis! Tapos ano? Anong kapalit? Kami pa ang mahihirapan sa kasalanan nila! Mga bwisit sila! Ayaw aayusin ang trabaho para hindi na kami nahihirapan pa!

Nakakapagod kaya magpabalik balik kahahanap sa mga pipirma! At hindi lang iyon! Nakailang pa-print kami dahil may mali tapos kung kailan tapos na kami may mali pa rin?

ANO? GAGUHAN? PUNYETA!

Inangat ko ang aking ulo mula sa aking pagkakasubsob. Pinunasan ko ang sipon ko bago ko pa ito makain. Maging ang mga luha ko ay pinunas ko. Tumayo ako at naglakad na parang zombie patungo sa salamin.

Tiningnan ko ang aking sarili habang may kaunting luha pa at medyo humihikbi.

"Ang ganda mo talaga." Puri ko sa aking sarili na nakaharap sa salamin.

Wag niyong sasabihin na nagawa ko pa magbiro matapos ko umiyak dahil hindi ito biro, totoo ito.

"Hayaan mo na sila Fhiarra, ang mahalaga, alam mo na pinaghirapan niyo 'yan."

Napatigil ako.

Niyo?

EH HALOS AKO LANG GUMAWA NG THESIS NAMIN AH! Most of the works are from my efforts!

Jusko. Auco nah! Gigil na si aco!

Oras na ipabaklas ng prof namin ang thesis namin eh punyeta masasapak ko siya!

~~~

A/N:

Nabasa niyo title? Oo, corny. Corny kasi yung plot kaya di ko na tinuloy isulat. HAHAHAHAHA.

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon