Naranasan mo na ba magmahal ng taong di alam ang existence mo?
Eh mahalin ang taong hindi ka mahal?
Oh kaya magmahal ng taong may ibang mahal?
Anong pinakamasakit?
Para sakin, yung magmahal ka ng iba habang may mahal ka.
Yung mahalin mo ang iba na nakatali na din.
Yung mahal niyo ang isa't isa pero HINDI KAYO PWEDE.
In short, mahal niyo isa't isa kahit may kanya kanya kayong karelasyon.
Ngayon, may mas sasakit pa ba sa sitwasyon ko?
~*~
Maayos naman ang lahat.
Mahal namin ang isa't isa.
Ngunit hindi pala sapat 'yon na batayan para malaman niyong kayo na talaga.
Darating at darating kayo sa puntong hindi niyo na alam ang dapat gawin.
Hindi niyo na alam kung may kakapitan pa ba kayo.
Hindi na alam kung saan pa ba patungo ang relasyon.
Mga pangarap na biglang naglaho.
Pagmamahal na hindi na alam kung saan hahanapin.
Pag-ibig na hindi na maramdaman.
Relasyong 'di alam kung pa-paano pa ipagpapatuloy.
Dahil sa isang pagkakamali...
Pagkakamaling magmahal ng iba....
Pagkakamaling hindi ko pinagsisisihan....
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
DiversosCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...