Matapos ng lahat. Minahal kita. Nahulog ako sa'yo ng sobra. Halos ipagpalit ko at iwan ko ang lahat para sa'yo.
Pero kinalimutan ko na 'yan. Wala na sa'kin ang lahat ng 'yan.
Yung pagkakaibigan natin. Yung pagiging mabuting kaibigan mo sa akin. Yung pagintindi mo sa akin. Yung pagtulong mo sa akin sa lahat n bagay, mapa-storya ko man yan oh sa buhay ko.
Kaya mo siguro ako tine-train maigi sa anumang bagay kasi ganito ang mangyayari. Nakaplano na talaga na iwan mo lahat sa akin. Iwan ako at kami.
Punyeta kang lintik ka. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang sabunutan ka, suntukin at sakalin ka oras na makita kita.
Kung isang araw sumulpot ka sa harap ko, siaiguraduhin ko na kakalbuhin kitang walanghiya ka. Kulang ang mga salitang ito para sa sama ng loob ko. Kulang ang mga gagawin ko pagsipa at pagbugbog sa'yo. Sobrang sakit ng ginawa mo.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo ba kami at pinagmumukhang tanga. Pero sinisiguro ko sa'yo na wala ka ng babalikan. Hinding hindi na ako papayag na makapasok ka pang muli sa buhay ko at buhay namin. Ayoko nang may masaktan ka pa at paasahin sa mga salita mong ni isa wala kang tinupad. Ayoko na sa'yo.
Hinding hindi na ako muling magtitiwala pa sa'yo. Sana lang masaya ka sa ginawa mong pagiwan mo sa akin/amin. Asahan mo na wala akong tatanawing miski isang utang na loob sa'yo. Kakalimutan ko lahat ng ginawa at ibinigay mo sa akin.
Kakalimutan ko ang lahat ng pinagsamahan natin. Kakalimutan ko ang lahat lahat tungkol sa'yo. Aalisin ko sa memorya ko na nakilala kita. Buburahin kita sa lahat! Walang makakaalala sa'yo kahit na sino!
Tangina mo ka.
BINABASA MO ANG
Stories in a Box
RandomCollection of prologues that never had a chance to tell its story, my random thoughts and my personal blogs. Dig deep on my thoughts and you will know who am I. Understand what I feel and you will understand the world of love. Judge me if you want...