One Shot #3: Yuniqa & Graywon

2 0 0
                                    

Is it really possible to talk to a dead person?

Makausap mo siya na parang buhay pa? Makita silang masayang magkakasama?

Possible ba? May ganoon ba?

What if I tell you, YES. Would you believe me?

•°•°•°•

"Best! Halika na! Kailangan na nating umalis dito kundi baka hindi na tayo makatawid sa baha!" Sigaw ng bestfriend kong si Alega.

Nagulat naman ako at napatingin sakanila na naghahanda na sa pagtawid sa baha.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa study table.

Pagtalon namin papunta sa may corridor para maiwasan ang baha, gumuho ang pinanggalingan namin. Nagkaroon ng crack ang sahig ng study table.

Nagkatinginan kami ni Alega habang nanlalaki ang mga mata at magkahawak ang kamay.

"Sht! Bilisan niyo na! Bago pa tayo kainin ng lupa!" Natauhan kami sa sigaw ni Ariel na aming kaklase.

Bawat hakbang namin ay gumuguho ang pinanggagalingan namin. Hindi namin alam kung bakit. Marahil ay mahina na ang lupa sa ilalim ng eskwelahang ito.

Oh kaya gaya ng tsismis, ay dating dagat ito.

Magkahawak kamay kaming tumatalon talon ng bestfriend ko habang nauuna si Ariel. Iniiwasan namin ang pinanggalingan ni Ariel dahil paniguradong lulubog kami doon.

Kinakabahan ako at natatakot. Bakit kailangan pa kaming maharap sa ganitong sitwasyon?

Bakit ngayon pa kung kelan wala na siya?

Hindi ko kayang tagalan 'to. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin.

Dahil mahina ako. Takot. Duwag.

Sa bawat pagtalon namin ni Alega ay talagang napapadasal ako. Hindi ko alam kung pagtalon ba namin ay magagawa pa naming makatalon pa muli.

Paano ku---

"AHHHHHHHH!"

"Sht. Bestie! Huwag kang bibitaw sa akin! Ariel tulungan mo kami!"

"Tangina Alega, hindi maaari! Malalaglag tayong lahat dahil oras na bumalik ako jan, tuluyan nang guguho yan!"

Pagtalon namin ni Alega ay bumuslot ang kanang paa ko at unti unting gumuho ang lupa, ngayon ay para itong isang malalim na balon, may ahas at tubig sa baba.

"Alega..." takot na takot kong pagmamakaawa sa kanya.

Iyak na ako ng iyak.

Natatakot ako. Hindi ko kaya 'to.

"Ariel gumawa ka ng paraan! Kahit anong paraan!" Sigaw ni Alega habang patuloy niya akong hinihila.

"Bestie..."

"Wag ka mag-alala Yuniqa, aalisin kita jan. Pero sana tulungan mo ako please. Hilahin mo din ang sarili mo pataas. Lakasan mo ang loob mo." Sabi ni Alega habang patuloy na sinusubukan akong hilahin.

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon