Prologue #1: Mahal ko O Mahal ko

13 1 3
                                    

Akala ko "Mahal ko O Mahal ako?" ang pinaka-mahirap na sitwasyon. May mas hihirap pa pala.

Yun ay ang mamili ka sa dalawang taong minamahal mo.

Ang isa ay karelasyon mo.

At ang isa ay..

Kakakilala mo lang.....

~*~

Paano kung ang masaya mong relasyon ay biglang magulo?

Hindi dahil sa third party kundi dahil sa puso mong pasaway.

Totoo nga ba ang kasabihan na: "hindi ka ma-iinlove sa pangalawa kung inalagaan ka nung una."

Pero paano kung inaalagaan ka naman talaga nung una pero pasaway lang talaga ang puso mo.

Eh ang kasabihang: "Piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka naman maghahanap ng iba kung minahal ka ng tama nung una." Totoo din ba?

Pero paano kung hindi mo pwedeng piliin ang pangalawa?




DAHIL MAY KARELASYON DIN SIYA.

At hindi mo maiwan yung una.

Dahil minamahal at inaalagaan ka niya ng tama, ni minsan hindi siya nagkulang sa'yo para makahanap ka ng dahilan na piliin ang pangalawa.

Ngayon, anong gagawin mo?

O mas dapat na tanungin kung...



SINONG PIPILIIN MO?

Stories in a BoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon