29

1K 51 13
                                    

Morie's


"Oh pagkain mo! Alam kong pag hindi ka kumain ngayon mamayang hating gabi ka pupuslit ng pagkain dun!" 


Hay buti naman at dinalan ako ng pagkain ng kuya ko.


"Ano ba problema nyo dun kanina?" 

Napairap ako.

"Alam kong hindi naman sakin ginawa pero nakakairita lang kase kuya, alam mo yun. Inuutos utusan nya si Jinyoung na pakainin sya. Tas nung nagmimeeting palang yung group namin landi sya ng landi kay Jinyoung samantalang ayaw naman sa kanya! Nakakairita!!!"


"Sinong Jinyoung ba yan?"

"Si Bae Jinyoung."

"Diba si Woo Jinyoung crush mo? Bat ganyan ka makareact sa kanila?"


Napaisip ako. Bat nga ba?


"Duh Kuya! Kung ikaw kaya nandun kanina hindi ka maiirita?? Nakakaasar kaya!"

"Baka hindi na si Braces boi crush mo ah?"

"Luh kuya, gawa gawa kwento" 

"Kumain ka na nga dyan"

"Kung hindi mo ko dinadaldal, edi sana kumakain ako."

"Aba! Pasalamat ka dinalhan kita ng pagkain dito. Drama mo kase!"

"Edi Thank you." 


Pagtapos kong kumain dinala na ni Kuya yung pinagkainan ko. Nagpaiwan lang ako dito.


Naisip ko. Bat nga ba ang OA kong magreact kanina? parang nakakahiya tuloy bumalik dun. Pero diba mas dapat mahiya si Chaeyeon sa kalandian at ugali nya? Kainis talaga. 


Habang nasa gazebo ako may napansin akong dalang tao dun sa may malawak na field. Pinilit kong kilalanin kung sino yun.


Babae at Lalaki.


Sino yung babae?-- Oh? Nayoung?


Kahit medyo malayo sila pinilit kong kilalanin yung kasamang lalaki ni Nayoung..


Medyo matangkad lang ng konti si Nayoung-- Luh bat magkahawak sila ng kamay??


Sino ba yun????



Medyo nagside ng konti yung lalaki---




Woo Jinyoung?



Ano? Sila ba?



"GAGI NASAN BA KASE SI MORIE??!! BAKA MAKITA NYA!!!"

"HINDI KO ALAM-- AYUN AYUN!!"



"Morie!! Ano- Tara dun tayo sa ano. wag ka dyan pangit dyan--" Hyungseob

"Matagal nyo nang alam?" 


"Nakita mo?" Kenta


Naramdaman ko nanaman 'to. Bat ba ko laging talo pag dating sa ganto? Nakakahiya na ang tagal ko nang nagpapakita at nagpaparamdam kay Jinyoung na may gusto ako sa kanya, pero ka-org at isa sa mga kaibigan ko lang pala yung gusto nya. 


Ano 'to? Round 2 lang nung nangyari sakin dati nung nagconfess ako kay Mingyu? Lagi nalang. 


"Ano ba kayo, Okay lang ako." 

"Kilala kita Morie." Hyungseob







"Eto nanaman, Hyungseob. Masakit ulit." 

Letter | Bae Jinyoung ✔Where stories live. Discover now