3RD PERSON'S
"Luh!! Ang tapang ni Morie!!!"
"Hindi sumigaw????!!!!"
"Lupeeeettttt!!!"
Nang makarating na si Morie sa kabilang side...
"Morie? Huy. wag ka nga magbiro ng ganyan!" Sabi ni Dongho. Pagdating kasi ni Morie sa kabilang dulo kung saan nag aabang ang ibang nakatapos na at ibang officers kasama na ang kuya nya, ay wala itong malay.
"Mam. Mam gising po!" pati ang staff nag aalala na rin.
"Guys tumawag kayo sa infirmary!! Nawalan ng malay si Morie!"
Bae Jinyoung's
Bakit parang nagkakagulo sila dun sa kabila?
Turn ko na sa zipline, pero bago umandar narinig ko ang mga sinabi ni Jonghyun.
"Nawalan daw ng malay si Morie!"
Kinakabahan ako. Natatakot ako. Anong nangyari dun?
Pagkatapos ay agad akong tumakbo papunta ng infirmary para tingnan kung anong nangyari kay Morie.
"Jinyoung san ka pupunta?" Biglang humarang si Chaeyeon.
"Kay Morie. Nasa infirmary sya ngayon! Nawalan daw ng malay e"
"Madami na sila dun! bumalik nalang tayo sa clubhouse!" Chaeyeon
"Mauna ka na kung gusto mo."
"Jinyou--"
Tumakbo ako papuntang infirmary at naabutan sila Gunhee sa labas.
"Nasan si Morie? Anong nangyari?"
"Nagpapahinga sya, Jinyoung. nasobrahan sa pagod kaya ayun, hindi kinaya ng katawan." Gunhee
"Pwede ba pumasok dun?"
"Pwede naman. kaya lang medyo madami sila 'dun. mamaya nalang siguro Jinyoung, pag maayos na si Morie." Gunhee
Umupo nalang muna ako sa bench at hinintay silang lumabas para ako naman ang makapasok. Lumabas na sila Dongho. Napag isipan kong pumasok na para i-check si Morie.
Pagbukas ko, naabutan ko si Yongguk na nakaupo sa tabi ni Morie at tinitingnan lang sya. May gusto ba sya kay Morie?
YOU ARE READING
Letter | Bae Jinyoung ✔
Fanfiction"Dear Jinyoung, matagal na kitang crush hihihi" | Gwaproduce 101 Series #2 | WANNA ONE AU