"Kamusta na si Morie?"
Agad napalingon si Yongguk sa direksyon ko.
"Ayos lang sya. Napagod lang daw masyado sa activities. Ano nga palang ginagawa mo dito?" Yongguk
"Binibisita ko lang si Morie, bawal ba?"
"Ah ganun ba? Pero baka mamaya pa sya magising." Yongguk
"Ayos lang." Gusto ko lang makita na maayos sya.
Nakaramdam ako ng antok kaya umidlip nalang muna ako.
"Jinyoung..."
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.
"Morie! Ano? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?"
"OA ha. Maayos na yung pakiramdam ko. 7 na rin pala. Ano balik na tayo sa club house?" Morie
Inalalayan ko syang tumayo. Umalis na rin pala si Yongguk. Tahimik kaming naglalakad papuntang clubhouse. Tahimik at medyo madilim, liwanag lang galing sa buwan at sa isang poste ng ilaw.
"Bat ikaw yung kasama ko dun kanina? SI Chaeyeon nasan?" Morie
Mas gusto kitang bantayan.
"Ano.. bumisita lang ako kanina. nakaidlip pala ako, kaya ayun napatagal hehe"
"Thank you, Jinyoung ha. Alam kong sumasakit na yung ulo mo kay Chaeyeon pero nakuha mo pa kong puntahan. Infairness iniiwan-iwan mo na si Chaeyeon!" Kakagaling lang sa sakit pero tumatawa na agad. Kaya gustong gusto kita e.
"Nakukuha mo nang tumawa ngayon a." Tiningnan nya ko.
"Sabi ko naman sayo diba? Ayoko ng mukang malungkot, matamlay at kung ano ano pang nakakapagpapangit! Normal na rin siguro sakin to. Diba kaya nga sabi ko say diba magsmile ka lagi! Kase bagay naman talaga sayo!" Morie. I smiled.
"Ayan! Ganyan!" Morie
"Nga pala, Morie. Hindi ko gustong manghimasok pero, si Jinyoung hyung at Nayoung na ba? I mean--"
"Wag mo nang isipin yun! Makaka move on din ako! Sabi nga sakin ni Hyungseob, intayin ko nalang daw, dadating din naman daw yun. Kaya eto, Chill lang ako. Abangers!" She's still positive kahit nasasaktan na.
"Eh pano kung sabihin ko sa'yong, may nagkakagusto sayo?" Napahinto sya at humarap sakin.
"Sino naman?" M
Tinitigan ko lang sya...
"Matagal ka na nyang gusto pero hindi nya alam kung pano sasabihin sayo. Nahihiya daw kase sya. Pero alam kong, gustong.... gusto ka nya."
"Sino nga?" Morie.
Ako--
"AKO!"
YOU ARE READING
Letter | Bae Jinyoung ✔
Fanfiction"Dear Jinyoung, matagal na kitang crush hihihi" | Gwaproduce 101 Series #2 | WANNA ONE AU