72

721 40 20
                                    


Morie's

1 more week after...

"Good news, my favorite patient. so far, um-ookay na yung lagay mo. Uhm, i think i'll allow you to go to school na din para kahit papano makahabol ka pa sa lessons. Pero yung mga bilin ko sayo ok? I'll check the other patients na. Bye!!"

Sa wakas!!

The next day, sumabay na ko ulit kay Kuya papasok ng school.

Pagpasok ko ng room...

"Joochan!!! Pakopya na kase bilis! Dadating na si mam oh!"

"Hauf ka talaga Jangjun!! Ikaw na nga lang mangongopya e! O!  Bilisan mo baka maabutan ka pa!"

"Jihoon parehas ba tayo ng sagot sa number 4?"

"Ano ba sagot mo dun-- MORIE??!!!!"

Nagtinginan lahat ng kaklase ko...

Umupo na ko sa upuan ko.

"Hoy!!! It's been a while!! Nasan pasalubong ko?" Jihoon

Oo nga pala. Ang akala nilang lahat ay may 1 month vacation ako sa Cebu kasama ang tita ko. Yun nga pala yung ni-reason ni Kuya

"Next time nalang ako magdadala, alam kong dudumugin nyo kong lahat e"

"OMG! MORIE!!!"  Hyungseob

"O kalma"

"so kamusta?" bulong nya

"Ayun, sabi ni doc umookay na daw ako, kaya nga ako nandito na diba"

--

Lunch..

"Morie!"

"Uy Yongguk! Kamusta?"

"Okay parin naman ako. Ikaw?"

"Okay lang din naman"

"Kamusta yung bakasyon mo? di ka manlang nagpasabi ah!"

"Haha-- biglaan din kase e."

"Buti hindi ka na ulit inatake"

sht.

"Ah-- hahaha oo naman! okay na ko. nung araw lang na yun talaga. alam mo naman yung nangyari-haha.."

"I'm happy okay ka na, and mukang masaya ka na talaga.."

"Oo naman. ako pa ba?"

Nagkwentuhan lang kami ni Yongguk. Puro masasayang stories lang. Pinipilit nyang walang maisaling malungkot na usapan..

"Hahahaha oo talaga! Nagulat talaga kami nun nung biglang nagsalita si hyungseob sa klase habang nagdidiscuss yung prof tapos, lahat nagtawanan nun kase nagssleep talk sya HAHAHAA--"

"Morie..."

Nawala bigla yung tawa ko...

"Uhm.. Tara na Yongguk, baka malate na tayo sa  klase natin."

tinulungan na kong magligpit ni yongguk dahil nagets na nya agad

"Please, Morie..."

--

Dismissal...

"Okay sige bye!"

palabas na ko ng pi to nang...

"Morie"

Hindi ko sya pinansin...

"Please Morie, let's talk--"

"Ano ba jinyoung! Pano pag nakita tayo ni Chaeyeon?!!"

"Wala si Chaeyeon ngayon.. Please I need to explain everything to you.."

"Alam ko na yun, nabasa ko yung letter mo"

"Hindi pa yun lahat, Morie.. At alam kong mas maiintindihan mo.."

Tumahimik ako, At hinayaan ko syang sabihin ang mga gusto nyang sabihin..

"Morie, ikaw lang talaga ang mahal ko... Pero isa na sa malalapit na kaibigan ko si Chaeyeon at nasabi ko narin naman sayo noon na may sakit sya... 3 weeks... 3 weeks nang hindi pumapasok si Chaeyeon dahil sinugod sya sa hospital. Sobrang lala na ng sakit ni Chaeyeon at yun nalang yung pwede kong magawa para sa kanya... na kahit papano hindi ko sya iwan at bantayan... Kilala kita Morie... alam kong naiintindihan mo.."

"O-oo naman..."

"Sa ngayong wala si Chaeyeon, pwede ba natin ulit ibalik yung tayo?"

"Maybe we can be like before... pero sa sitwasyon mo ngayon, Wag muna natin ibalik yung tayo.."

"Thank you!! Alam kong maiintindihan mo!" He hugged me... and i hugged him back..

Kung alam mo lang Jinyoung... Lumala din yung sitwasyon ko pero hinayaan kita... Parehas lang kami ni Chaeyeon

Letter | Bae Jinyoung ✔Where stories live. Discover now