30

942 49 6
                                    


Bumalik na kami sa Clubhouse, nandun pa yung iba nakatambay. Yung mga leaders naman inaayos yung mga gagamitin bukas.


"Huy umiyak ka ba?" Jihoon


Kingina sa dami ng mapapansin talaga nga naman oh.


"Tanga bat naman ako iiyak?" 

"Eh bat namumula yung ilong mo?" Jihoon

"Hindi pwedeng may sipon? Pahid ko sayo to eh!" 

"Kadiri ka ang baboy mo!!" Jihoon


Umupo nalang ako sa tabi ni Hyungseob. Kami lang dalawa sa table, since pinapaalis nya ang nagtatangkang makisama sa table namin.


"Oh. Itlog. Baka sumaya ka pag nagshare ako sayo." 

"Ikaw lang sumasaya dyan. Iyo na."


"So, kamusta na feelings mo?" Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tanga lang? edi syempre masakit round 2. Hyungseob pangit ba ko?" 


Tiningnan nya ko.


"Ayos lang. Mapagtsatsagaan naman kahit papano"

"Gag03" 

"Hindi ka pangit, Gaga! Baka hindi lang talaga si Woo Jinyoung yung para sayo. Parang naulit na 'to ah. Nasabi ko din ba dati na, Hindi talaga si Kim Mingyu ang para sayo?"

"Oo." 

"Mahahanap mo rin yan. wag ka kasing atat. tsaka wag masyadong showy sa taong gusto. Hintayin mong sila yung unang magpakita ng interest sayo. Wag bigay nang bigay. Ipunin mo. Tapos kapag dumating na yung tamang tao, tsaka ka nalang ulit magbigay, pero mag tira ka para sa sarili mo. Para hindi iiyak iyak pag nasayang nanaman." 


Napatulala naman ako sa mga lumabas sa bibig nya. si Hyungseob ba talaga to?


"Ikaw ba talaga yan?" 

"Tse!" 


Tama naman sya. Siguro wag muna ngang excited. Dadating din yun. Wait lang. 



"Morie..."

Napalingon ako at nakita ko si Jinyoung. Bae Jinyoung.


"Ano yun?"

"Pwede ba tayong mag usap?" 

"Sige. Hyungseob layas muna."


Umalis si Hyungseob at pumalit naman si Jinyoung.


"Yung nangyari kanina..." Jinyoung

"Bakit ba ganun si Chaeyeon pag dating sayo?" 

"Sayo ko lang to sasabihin... Minsan na kong kinausap ng mommy ni Chaeyeon at pinakiusapan na intindihin nalang sya"

"What?! Hindi ba nila alam na sumosobra na yung anak nila??! Hindi tamang kinokonsinte nila ng ganun yung anak nila!" 

"May dahilan, Morie... May sakit si Chaeyeon sa pag iisip, na kapag hindi nya nakukuha ang gusto nya may tendency na madepress sya at baka umabot sa point na baka magpakamatay sya. May mga time naman na okay lang kahit hindi mo sya sundin."

"Sht Jinyoung, pano ka?" 

"Wala akong magawa. Ayoko man madamay o maging dahilan ng pagkadepress nya pero hindi ko alam kung ano yung dapat kong gawin. Kaya sa ngayon, iniintindi ko nalang muna sya at sinasamahan narin paminsan." 


Ano bang pwede kong gawin? 


"Guys bumalik na kayo sa mga rooms! Maaga pa tayo bukas!" Jonghyun

Letter | Bae Jinyoung ✔Where stories live. Discover now