Chapter 14

24 1 0
                                    

Mark's POV

Salamat naman at nabigyan ako ng POV. Nauna akong nagising, mahimbing pa siyang natutulog kaya hinayaan ko lang. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Rest day namin ngayon, medyo nakakapagod din kasi ang JYP nation na naganap. Halos wala kasi kaming pahinga, may time na sa backstage kami nakakatulog. Basta nakakapagod.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at lumabas ng banyo. Tulog parin siya, wala bang pasok 'to sa trabaho? Nakakaawa naman kung gigisingin ko kaya hinayaan ko lang. Lumabas ako ng kwarto, naabutan ko si Jb sa kusina na nagluluto..

"Good morning dongsaeng!" Bati ko

"Good Morning.."

"Nasaan sina Jinyoung?" Tanong ko..

"Nagrocery kasama si Jackson and Youngjae.. Ang maknaes naman may binili din.. Eh si Eunice?"

"Tulog pa e.."

"Wala bang pasok sa trabaho?"

"Di ko nga alam, nakakaawa gisingin dahil halatang pagod na pagod.."

"Bakit? Ano bang ginawa niyo kagabi?"

"Anong ibig mong sabihin? Syempre natulog.."

"Talaga? Natulog lang?"

"Tss.."

"Haha biro lang hyung.. Diba sabi mo makikipagkita si papa Tuan at ang kapatid mo sayo pagbalik natin dito?"

"Oo pero mamaya pa 'yon after lunch.."

"Mark hyung, paano kung aalis na si Eunice dito? Bihira nalang kayo magkikita dahil busy tayo palagi.."

"Haay! Ganon na nga siguro.. Pero desisyon niyang hindi mag-stay dito"

Natapos siyang magluto kaya, hinubad na niya ang apron at umupo sa dining table sa tapat ko..

"Nagkagirlfriend ka noon, pero mas minahal mo ba siya?"

Ngumiti ako..

"Panigurado pinakaminahal niyan si Eunice.." Jackson

Nagsidatingan na sila pati ang maknaes.. Get ready for hotseat Mark Tuan! -_-

"Syempre. Iba si Eunice, siya lang ang nagpapaexcite sa akin sa bawat ginagawa ko. 'Yong feeling na, kapag nasa harap ko siya.. Gusto ko siyang yakapin at hindi na bibitawan pa bahala na kung mahinto ako sa pagiging celebrity.. Nasa kanya ang ideal woman ko, sigurado kung sakaling iiwan niya ako di ko alam ang gagawin ko.. Mababaliw ako.."

"Nako hyung, huwag mong sabihin na iiwan ka niya.. Dahil hindi madali.. Sobrang sakit.. 'Yong kapag mag-isa ka? Kahit saan ka tumingin siya ang nakikita mo.. Grabe.. P-parang nahati ang katawan mo.." Malungkot na sabi ni Jinyoung na para bang iiyak na siya..

It Started With A Kiss [GOT7 M.T. FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon