Chapter 77

24 1 0
                                    

One month later~

Eunice's POV

Busy na ulit sina Mark. Naghahanda para sa bagong comeback nila. Tulad nang dati madalang lang syang makauwi dahil di daw kaya sa oras. Madaling araw na daw sila minsan natatapos sa practice.

Kagabi dumaan sya dito sandali para i check ako. Sinabi niya na I can go to Janine if I'm bored, basta magtext lang ako kung sakaling aalis daw ako. Pero ewan ko ba feeling ko kasi tinatamad ako. Buong araw, nakahiga lang ako. Nakakapagtaka dahil hindi naman ako ganito.

Pinilit kong tumayo para kumain. Maglalakad na sana ako papuntang pinto nang bigla akong nahilo as in yong sobrang hilo dahilan para mapaupo ako sa sahig. Sumakit ang ulo ko. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko sinubukang tumayo. Anyare ba't ganon?

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papuntang banyo para mag-ayos. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang putla ko. Ba't ganito? Di naman ako mainit.

Huminga ako ng malalim. Ayaw kong tawagan si Mark , for sure busy 'yon ngayon. Ayaw ko namang mag-alala yon sa akin baka di pa makafocus. Kaya ko naman.

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako ng kwarto namin. Pumunta akong kusina para maghanda ng makakain pagkatapos ay kumain na ako. Habang ngumunguya biglang parang gusto kong marinig ang boses ni Mark. As in kahit HELLO man lang niya. Kaya binilisan ko ang pagkain at hinugasan ang plato saka kinuha ang cellphone ko. I dialed his number. Nakailang ring bago niya sinagot.

Phone..

Mark: Babe? Nasa practice pa ako. Napatawag ka ?

Me: sheeeet! Ang sarap sa tenga ng boses mo babe. Ok na ako. Yieee

Mark: Huh?

Me: Gusto ko lang marinig boses mo bigla eh. Ewan ko ba kung bakit. Kaya ok na babe, sorry sa abala..

Mark: You miss me?

Me: Maybe?

Mark: Me too. Have you eaten already?

Me: Oo kakatapos lang.. Ikaw ba?

Mark: Yes kanina pa. Sige na babe kailangan ko na ibaba 'to. Tinawag na ako ni Jb.

Me: Ah. Sige babe. Bye! Alagaan mo sarili mo ok? Nagpadala ako ng towel sayo, magpunas ka ng pawis ok? Kapag di na kaya ng katawan ang pagod, magpahinga ka at inom ng madaming tubig ok? I love you!

Mark: Hahaha opo babe. Don't worry. Ikaw din dyan, kain ka sa tamang oras at tawagan mo ako kung may kailangan ka ok?

Me: Sure.

Mark: Sige bye! I love you more..

Me: Yiieee Bye babe!

It Started With A Kiss [GOT7 M.T. FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon