Chapter 32

25 1 0
                                    

Luke's POV

Matapos syang kumain, nagpaalam ako saglit para bayaran ang hospital bills. Pagkatapos ay bumalik na ako, at inalalayan sya.

Masyado na ba akong mabait para gawin parin 'to? Wala akong magawa, mahal ko eh.

Habang nasa byahe, tahimik kami pareho nang bigla syang magsalita.

"Ahm.. Luke..."

"Oh?" sagot ko habang nasa daan ang mata ko.

"Galit ka ba?"

Hindi ako galit. Nasasaktan ako Zaine.

"Hindi."

"Pasensya kung pinag-alala kita kagabi."

"Wala 'yon. Basta ba masaya ka.."

"Hah?"

"Ang ibig kong sabihin.. Masaya ka palagi kapag mag-isa ka.."

"Hahaha, loko.. Hindi naman.. Sadyang gusto ko lang mapag-isa.. As in literal na MAG-ISA."

"Ganon ba? Mamaya aalis ka na naman ba?"

"Hindi.. Wala namang sinabi si Dad.."

"So how was the meeting Yesterday?"

"Hindi sya ok.. Nakakastress ng kunti.."

"Medyo malaki ang kompanyang mamanahin mo kaya dapat masanay ka."

"Tama ka.. Pero kaya ko 'yon. Ako pa ba?"

"Sabagay."

Hanggang sa makarating kami, dumiretso muna kami pareho sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ko ay pumunta akong sala at nanood ng TV. Nakita ko syang bumaba ng hagdan at umupo sa tabi ko.

"Ang laki pala talaga ng Tuan Company noh? times two 'yong company namin.." sabi niya

"Matatalino kasi ang pamilyang Tuan. At bawat miyembro ng pamilya ay supportado ang isa't-isa."

"Sana ganon din ang pamilya ko.. Pero si Dad kasi, napakaselfish."

"Ang pamilya ko, kahit di man kasing laki ng kompanya niyo ang kompanya namin? masaya parin kami. Hindi kailanman pinangarap ni Dad na lamangan ang mga Tuan. Ang mahalaga sa kanya maayos ang takbo ng kompanya."

"Sana lahat ganon."

"Magiging ganon ang pamilya natin Zaine.." sabi ko na pabiro.

"Hahahaha, alam mo Luke.. Ideal man ka naman eh.. Siguro kung mas nakilala pa kita ng lubusan bago si Mark.. Baka ikaw ang minahal ko ngayon." sabi niya habang nakayuko

"Ano bang meron kay Mark na wala saken?"

"Di ko alam, pareho naman kayo.. Ang kaibahan lang is sya ang minahal ko.."

It Started With A Kiss [GOT7 M.T. FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon