Jeanne's POV:Ngayon na ang araw ng pag-alis ko,
Ang kasama ko ngayon ay si Zandria tsaka sila mama lang...wala sila Jennie..
Wala si Emman..
Napabuntong hininga nalang ako...galit sila sakin...
"Hey."napatingin ako kay Zandria ng tapikin niya ang balikat ko."May naghahanap sayo."nakangiting sabi niya pero halata ko ang lungkot sa mata niya..
"Anong naghahanap?"takang tanong ko sa kanya.
Imbis na sagutin ay nginitian niya lamang ako tsaka lumingon sa likod namin kaya lumingon rin ako..
"J-jennie..."
Nandito sila..
Nandito--
Nakalapit na sila ngunit pilit ko paring inililibot ang paningin ko upang hanapin siya.
"J-jennie..b-bakit wala si E-Emman..?"nakita kong natigilan sila sa tanong ko kaya hindi ko maiwasang mapalunok sa nerbyos."K-Kristine? Ayen..? D-Dons? BLU?"kinakabahang baling ko sa kanila..
"J-Jeanne..ano kasi.."iwas tingin sabi sa akin ni Kristine kaya hindi ko maiwasan na mapatungo upang maitago ang luha ko..
Ramdam ko ang pagyakap sakin ni Zandria at ang pag alo sa akin nila mama..
"Ang drama mo."automatic na huminto ang luha ko ng marinig ko iyon.
Hindi dahil sa pagiging insensitive ng nagsabi nun ngunit dahil sa may ari nito.
Unti unti kong nilingon ang may ari ng boses non..
Si Ayen...sila Bridget..
Ibinuka ni Ayen ang mga braso niya dahilan upang mapatakbo ako sa kanya at niyakap siya habang umiiyak..
"Sorry..."pa ulit ulit na sabi ko habang nakatago sa leeg niya ang mukha ko..
Ramdam ko ang pagyakap nila Jennie sakin dahilan para humagulgol na ako ng tuluyan..
"Uy..awat na iyak..hindi tear proof tong suot ko.."napangiti nalang ako tsaka itinigil ang pag iyak.
Tanggap nila ako. Hindi sila galit. Hindi sila galit.
Kumalas ako sa pagkakayakap tsaka tumingin ako sa kanila isa-isa.
Wala siya..pero ok lang.
Mas mabuti na siguro yun kesa makita niya akong umiiya---
"Jeanne..."rinig kong sabi niya habang yakap yakap ako mula sa likod..
Zandria's POV:
Edi sila na may love life ako na bitter.
"E-Emman..?"tawag ni Jeanne sa torpeng nakayakap sa kanya.
Humarap si tanga kay torpe kaya ayun,nagmeet-up ang mga ilong ni slow at torpe.
Letse ang corny niyo. Pasalamat kayo boto ako sa inyo buset.
"Mami-miss kita.."napapahid ako ng wala sa oras ng pisngi ko ng maramdamang lumuha nanaman ako.
The feeling's mutual Emman. Mami-miss rin namin si Jeanne. Walang angkinan ng nararamdaman.
Nakita kong naluha si Emman nung niyakap siya pabalik ni Jeanne kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...