Zandria's POV:
"Sem break naaaaaaaaaa!"parang ungol na sigaw ni Andrei habang nagi-streching.
Kakatapos lang ng klase namin ngayon. And yes, sembreak na.
"At dahil walang pasok sa birthday niya, manlilibre si Bridget ngayon! Woohoo!!"tila nababaliw na sigaw naman ni Kristine.
"At dahil awkward, hindi sasali si Baren!"gatong pa ni Adriene.
News Flash: Break na sila nila dget.
When: three days ago.
Why: because.
How: malamang nagsalita sila. Kidding. They didn't work out."Ang ingay mo."Inaantok na sabat naman ni Jennie.
Habang ako, ito nakahalumbaba.
Papikit pikit na.
Flashback~
"Siguro pag sila na."sambit ni Andrei.
"Z-zand..."si Donna ang unang nakapansin sa akin.
Kita ko ang paninigas nila ng marinig si Donna.
Funny as it may seem, sabay sabay silang lumingon sa direksyon ko looking guilty and surprised.
End of Flashback~
And the rest was history.
Dahil sa na-witness kong yun, I found a way to brush Kuyang Sulpot off.
Halos umabot rin ng 3 weeks ko silang di pinansin.
Well, oo alam ko na nagpapanggap lang sila. But still, madrama ako. Ma-guilty sila.
Napadilat lang ako ng makaramdam ako ng paghatak ni Kristine.
"Zand, picture raw ng barkada!"tsaka ko lang napansin na nakapwesto na sila sa teacher's desk.
Si Ayen, Bridget tsaka Donna nakaupo sa mesa, yung boys nasa likod pero si Emman nasa gilid kasi maliit, sila Jennie yakap yakap yung braso ni Donna sa gilid ng mesa habang kami naman ni KR pinuwesto nila sa tabi ni Bridget na nasa gitna.
"WAAAAIT!!!"napatingin kami sa pinto ng makarinig kami ng pamilyar na boses.
Halos lahat kami sa classroom ay napahinto ng makita namin kung sino yung sumigaw.
Nakatulala pa rin kami ng pumunta siya sa gilid ni Adriene para humanap ng pwesto.
"Game na!"sabi niya pa.
"..."
"JEAAAAAAAAANE!!!!!"
Ako na informed sa pagbalik ni Jeanne Cher para makibonding bago magpatuloy sa pagpapagaling ay nakangiti lang habang pinapanuod silang dinadamba ng yakap si Jeanne.
Hays.
At sa wakas, nakapag-groufie rin kami.
Next Chapter?
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...