Adriene's POV:"Ano nanamang plano mo ha?"takang tanong ko.
[Basta gawin mo nalang bibigyan kitang libro.]
"Di mo naman kasi sinabi agad oo na gagawin ko na,libro ko ah!!"pagpayag ko.
[Ge bye na.]
"Byeeee!!"magkakalibro nanaman akooooooo!!
"Adriene!"tawag sa akin ni Bridget.
Luh...pano ako mag aact na Baren?
Bumalik na ako dun sakto namang nakita ko ang bear na binigay ni Baren last Valentines Day sa kwarto niya.
Nilapitan ko ito at kinuha.
Tapos pumunta na ko sa sala kung nasaan si Bridget at nanonood..
Go go go Mrs. Jeon Jungkook..
"Dget ankyut oh! Kanino galing to?"nakangiting tanong ko.
Tumingin siya sakin ng nakangiti tapos tumingin siya sa hawak ko..
^______^—>•_•
"Oh..bigay ni Baren yan.."ng sabihin niya yun natahimik na siya..
Walang hiya ka naman kasi Zandria para saan ba tong pinapagawa mo?
Zandria's POV:
Napatitig ako kay Adriene na bangag ng pumasok ito sa klase..
Gumana kaya yung plano ko?
Kinuha ko yung librong binili ko kahapon tsaka lumapit kay Adriene, wala pa naman si Kristine kaya ok lang.
"Psst..Yen.."tawag pansin ko sa kanya pero eto lang ang nakuha kong response: '....'
This time,kinurot ko na yung tagiliran niya.
Nabalik naman siya sa wisyo at napatingin sakin.
"Aray,para san yun?"tanong niya.
"Ano ng nangyari kay Bridget?"pambabalewala ko sa tanong niya.
"Speaking of Bridget,Walang hiya ka bakit ba pinagawa mo sakin yun ha? Hindi tuloy ako makaget over.."nanahimik ulit siya matapos nun.
"Sinabi niya ba yung dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Baren?"pabulong kong bigkas.
Nanlaki naman ang mga mata niya tsaka humarap sakin.
"Walang hiya kaaaa!!"pinagpapalo niya ako na iniwasan ko naman,aba, anong gusto niyo saluhin ko? Try niyo kaya.
Maya maya ay tumigil na siya sa paghampas at tinitigan nalang ako ng masama.
"Pano mo nalaman yun ha? Nandun ka noh?!"galit niyang tanong sakin.
"Wala noh! Yun lang talaga yung plano ko."pagkatapos nun ay ibinato ko na sa kanya yung libro."Oh, libro mo."
Pabalang naman niyang kinuha ito tsaka ako tinaboy. Pinaikot ko lang ang mga mata ko tsaka bumalik sa pwesto ko.
Sakto namang pagkaupo ko ay pumasok na yung prof,sila Kristine? Late.
Lunch Break~
Pagkalabas na pagkalabas palang ng prof namin ay hinatak ko na agad si Ayen palabas.
Sa garden? Nyek wag dun,umiyak ako dun eh.
Rooftop? Hmm..pwede.
Pagkabitaw na pagkabitaw ko palang sa kanya ay binatukan na niya agad ako ng pagkalakas lakas.
Umalog ata utak ko dun..
"Ano nanaman problema mo ha?"mataray niyang tanong.
"Kwento mo sakin yung nangyari kahapon."nang sabihin ko yun ay nagulat nalang ako ng bigla siyang ngumawa.
Great. Madramang explanation to for sure.
Nag abang lang ako na matapos siya sa pagngawa niya tsaka nakinig ulit ng umayos ayos na siyang magsalita.
"Okay..ayos na ako..HOO!"pinaypayan muna ni Ayen yung sarili niya sa di ko malamang dahilan.
Duh..nasa rooftop po kami at mahangin dito bat magpapaypay pa?
"Sabi ni Bridget, naghiwalay raw sila ni Baren last week,---"
"Last week, habang may conflict sa pagitan namin ni Jeanne tsaka sa inyo diba?"tanong ko.
"Yup! Naghiwalay raw sila kasi nakita niya si Baren na may kasandalan sa braso na babae tapos minamasahe pa raw ng babae yung ulo niya habang natutulog siya. Nang makita niya raw yun, lumapit siya sa kanila tapos, PAK! Sampal si Baren tsaka niya sinigaw na, BREAK NA TAYO! Hmp! Yun lang sinabi niya."
Wut?
Wut?!
"Yun lang yung reason?!!!!"halata namang nagulat si ayen dahil napatalon pa siya.
"Yun lang?! 'Tol may nakita siyang babae na sinasandalan ni Baren tapos mimamasahe pa yung ulo niya tapos yun lang?!"seryoso..lumaklak ba to ng kape kaninang umaga at ang praning?
"Ayen, ilang fiction stories na ang nabasa mo at I know na halos lahat ng yon ang conflict ng magka-relationship ay misunderstanding kaya yes, yun lang."ang babaw naman kasi nun! Kita lang tapos wala man lang explanation?!
"Ha? Hmmm...oo nga noh. Yun lang talaga. Tsk. Ang talino mo Ayen, nalaman mong yun lang yun! Hays, hirap maging gwapo."napairap nalang ako sa hangin tsaka umalis na ng rooftop,yes iniwan ko siya dun.
"Huy!"
Lumingon ako sa taong walang future sa panggugulat.
"Nakakagulat. Na heart attack nga ako oh!"sarcastic yan. Halata naman diba?
Sino yun? Aba malay ko nasa dilim eh.
Dumiretso nalang ako sa canteen--what the hell?
Ang bilis naman ng babaeng to?!
Sinong 'babaeng to'?
Si Ayen lang naman. Eto siya ngayon nakikipaglamunan.
"Zandria."ani ni Donna tsaka nilahad ang kamay."Libre mo raw siya eh, kaya bayaran mo ako ng 37 pesos."
Wut?
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...