Zandria's POV:Most effective plan:
Video games.Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakikipagtitigan sa isang bond paper kung saan nakasulat yung Video games chuchu.
Na-doodle ko na rin siya kaya punong puno na ng mukha ni Domo-kun at kung anong animated chuchu yung bond paper sa kadahilanang wala akong maisip kung pano ko siya gagawin.
*knock knock*
"Woi, Zandria! May bisita ka!"
"Bukas yan."sabi ko nalang habang nakatitig sa bond paper.
Yan yung pinaka-effective maliban sa pagkain.. pag pagkain mauubos lang pera ko.
"Bababain mo ba yung bisita mo oh papaakyatin ko nalang?"
Instead of answering his question,"Kailan ka pa natutong kumatok?"
"Ha-ha. Bumaba ka na nga lang dun."sabi ni Zander tsaka padabog na lumabas ng kwarto.
Kung hindi niyo maalala, kakambal ko yun.
May abs, may muscles, may looks, may style, may fashion, matangkad pero kung maka-irap 360 degrees. Lalaking lalaki yan wag kayong ano.
Dinikit ko muna gamit scotch tape yung bond paper sa pader bago bumaba.
"Woah.."napatingin ako sa taong nagsalita na nasa sala namin. Siya yung nagsalita hindi ako.
Wadahek..
*takbo paakyat ng hagdan*
Hutek, nakakahiya. Naka-short at hanging blouse lang ako mga pards!
*palit damit ng sobrang bagal*
Outfit of the day: Jogging pants and sweater. Malamig naman kaya okay lang yan.
Take two~!
*baba papuntang sala*
*kunyari cool*
"Good morning!"tinignan ko siya tsaka tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?"ay wait, wrong question,"paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"Secret."ngiting ngiting sabi niya,"Isipin mo nalang stalker ako."
Dahil sa sinabi niya ay wala sa sarili kong tinanggal ang slippers ko tsaka yun binato sa kanya.
"Haha, chill."ani niya matapos umilag."Parang napatingin lang eh.."
Wadafudge?!
Binato ko na rin yung isa ko pang tsinelas dahil sa dinugtong niya.
Sirahead na manyak to..
"Ano bang ginagawa mo dito?"umupo ako sa single sofa tsaka ginamit ang unan para ipantakip sa tiyan ko, heck, bat ba maninipis yung mga damit ko? Sweater na pang-summer mierda.(crap)
"Bumibisita kay Ms. Deathnote."ngiting ngiting sabi niya pa."Zandria name mo diba?"
And with that,
Kinabahan ako.
Hell, feeling ko mas creepy pa siya kaysa sakin.
I haven't found my match yet..
Have I?
"Anong--"napalunok ako ng marinig ko ang sarili ko na pumiyok."Anong sadya mo?"I tried my best to look emotionless pero napapikit lang ako ng mariin ng madama ko ang nerbyos sa aking boses.
He smiled tsaka siya humalumbaba, ang hita niya ang sumasapo ng siko niya."Yung dalawang mag bestfriend ang target mo ngayon right?"
At this rate, I just want to be a hunted doll and hunt him...specially that smile. It's freaking giving me butterflies in my stomach- chills I mean. Yung tipong hinahalukay yung tiyan mo at gusto mo nalang masuka o di kaya magpatawag kay Mother Nature.
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...