Zandria's POV:"Uy Dget ano yan??"tanong ni Kristine kay Bridget na tulala ngayon sa sulat."K-k-KYAAAAAAA!!"
"Pembarya?"-Donna.
"Gaga!"kita kong binatukan ni Kristine si Donna tsaka inisnatch kay Bridget yung sulat.
"Halaaaaa..Dget pumunta ka!"pilit ni Ayen ng makita niya yung note.
"Oo nga!!!!"tumatalon talon pa si Donna.
"Go Bridget! Support kami."nakangiting sabi ni Jennie.
Nakasilip ako ngayon mula sa likod ng puno...
At kitang kita ko rin ang mga ulong nakalawit sa iba pang puno na handang makichismis.
Yup..everything's going well..nakita ng lahat ang letter--hindi ng buong school ok? Ng buong grupo lang. Yung boys nakita yung kay Baren,yung girls nakita yung Bridget.
Shoot dumating na si Baren..
After 5 min..
Dumating na si Bridget!
Bumuka yung bibig ni Bridget pero di ko marinig kaya sinuot ko yung hood ko tsaka umupo sa malapit na bench. Binuksan ko rin yung dala kong libro-for props.
"Una sa lahat, salamat at hinayaan mo akong mag explain ngayon..pangalawa, yung yakap na yon ay walang meaning. Okay? Sumakit lang ang ulo ko nun, tapos nakita ako ni Aubrey."
"Aubrey? Wow, first name basis. Sino siya?"
"Kasali siya sa Robotics Club kaya ko siya nakilala. "
"Okay..so anong connect ng pagsakit ng ulo mo sa yakap niyo?"
"Yun na nga, nakita niyang masakit ang ulo ko kaya pinaupo niya ako sa bench, pinasandal niya ako sa balikat niya tsaka niya minasahe ulo ko."
"Naks, gwapo ni Baren ah.."shoot di ko napigilang bumulong.
"Promise?"
"Promise."
"Pinky promise? Pinky promise. Kasuka, buset."
"So uhm..bati na tayo?"si Baren nagsabi niya ah.
Sumilip ako sa kanila at nakita ko si Bridget na tumango.
Yes!
Success!!!
Sinuot ko yung headset ko tsaka nagpatugtog, pero mahina lang baka may sabihin pa sila sa isa't isa eh..
"Girls! Bati na kami!"matapos sabihin ni Bridget yun ay nakarinig na ako ng mga uwak pero mahahaba. Kwaaaaak Kwaaaak gets? Ge bye. Haha.
Sunod kong narinig ay mga tunog pag may tumatakbong kabayo..
"Congrats!!!"si Andrei ata yun..basta pagkatapos niyang sabihin yun may narinig na akong tumumba.
After 10 mins..
Sa wakas ay natapos na rin sila sa pagchismis..
"So Bridget..hindi mo rin ako matiis noh?"rinig kong sabi ni Baren.
"Anong di kita matiis? Ikaw nga di makatiis sa akin eh. Nag-ipit ka pa ng note sa locker ko."
"Note? Ikaw yung nag-ipit ng note sa locker ko."
Uh-oh..
"Ikaw kaya!"
"Ikaw."
Sige mag away lang kayo.. gora lang..
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bench habang patuloy silang nagsisigawan tungkol sa kung sino yung hindi nakatiis.
"I better run, run, run, run,run
~~~~~
Run devil, devil run, run~"pabulong na kanta ko.."Teka..zand??"rinig kong tanong ni Bridget.
Kaya napaharap ako ng di oras.
"Hehe..hello.."kumaway pa ako.
"Ikaw ba yung---"
"Bye!"takbooooooo~~~
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...