Prolouge

6 1 0
                                    


Error: pinakita ko kay Adriene tong series, tsaka ko lang nakita na double n ang nasulat ko sa name niya.. pinaulanan niya ako ng comments sa gc namin..

Tapos na naman ang isang series~ time for another one.

Manang Zandria, stepping on the stage~

Zandria's POV:

Nakangiti---wait mali. Hindi pala ako nakangiti. Masakit pisngi ko.

Ikaw ba naman kurutin ng bongang bongga ni Bridget sa pisngi. Thank you niya raw yun, buset kung ganun palagi thank you niya pwes di ko na siya gagawan ng maganda! De joke lang syempre.

Masaya akong nakatingin (kahit hindi halata) kayla Zildjian at Baren na nagvo-volleyball ngayon.( varsity sila)

"Go Bareeeen!"napatakip ako ng tenga ng wala sa oras dahil sa sigaw ni Bridget. Katabi niya kasi ako sa bleachers, isa ko pang katabi ay si Jennie. Nasa likod namin yung tatlo.

Umupo nalang ako kasi nga nasa bleachers kami. Ano pang use ng bleachers kung lahat ng nakatayo diba?

"G.."rinig kong sambit ni Jennie kahit na ang ingay ng katabi ko.

G? May mumurahin ba tong babaeng to?

"G..go..."wat da hek?! May mumurahin nga!

"GO ZILDJIAN!!!!"pikit matang sigaw ni Jennie sabay upo."Oh my God nasabi ko siya.."kamatis ba tong babaeng to? Ang pula eh!

Wait..

Go...zildjian?

May crush nga pala to kay Zild..

Hoho...

1st round ended..

Lumapit sila Zildjian dito sa bleachers..agad namang naging caring girlfriend si Bridget kaya di ko na tinignan baka masuka lang ako.

Instead tinignan ko kung anong ginagawa nila Jennie.

"Naks bogsieeeeee ang galing ng spike moooo onti nalang sapul na sa mukha yung kalaban eh!"napakagat labi nalang ako para pigilan ang tawa ko sa sinabi ni Kristine.

Bakit bogsie? Kasi yun yung pangalan ng kabayo sa isang play na pinuntahan namin. The end.

"Zild oh, tubig."bigay ni Jennie

"Yey! Thanks Jennie!"

...

Ano to fangirl love?

Love from friendship?

Hmmm..

Let me find out!🔍🔎🔍🔎

This is Zandria Vastra, a supporting character in this 'I'm the Nerdy, He's the Hottie' story...





...

"Uy! Miss Deathnote!"ngiting ngiting sabi ng lalaking pamilyar na to..

"Hu u?"

"*GAAAAASP*"nakatakip pa yung kamay niya sa bibig niya.

OA ahhh.. masama na bang magtanong ngayon???? Kung makapag-react amp!

Nandito nga pala ako sa garden, kakatapos ko lang kausapin si Jeanne online ng biglang sumulpot tong lalaking to...obviously, school mate ko siya.. pero di ko parin siya kilala.

"How dare you forget me! Ako na ngang tumulong sayo ganyan ka pa?!"oh.. ah! Naaalala ko na!

Siya yung nagbigay ng walang kwentang tulong!

Teka siya ba yun? Oo siya nga..

Siya rin si Mr. Sulpot sa airport..yata.

"Tapos?"kinuha ko yung chuckie ko. Oo chuckie walang aangal. Tsaka ko ito ininom.

"Di ka man lang magtethank you?"ini-straight sip ko yung chuckie ko bago ko siya sagutin.

"Thank you sa walang kwenta mong tulong. Yan na nasabi ko na..ok ka na niyan?"napa-pout naman siya kaya tumayo na ako.

Paalis na sana ako ng tawagin niya ako.

"Ms. Deathnote! Ikaw si Zandria Vastra diba?"napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Pano niya nalaman pangalan ko?

"Wag kang mag-alala di kita ini-stalk."hindi kapani-paniwala.."sikat kasi grupo niyo dito sa school kaya ko nalaman."ah..

Oo nga pala. Isa nga pala kami nila Ayen, Jennie at Kristine sa top students dito.

"So? Pwede na akong umalis?"mukha namang wala na siyang sasabihin kaya nagsimula na akong maglakad.

"Ellie!"nanlaki ang mga mata ko dahil sa tawag niya sakin. Lumapit ako sa kanya tsaka ko hinawakan ang kwelyo niya.

"Pano mo nalaman ang IGN ko?"I narrowed my eyes on him.

"Secret. Haha!"sabi niya tsaka tumakbo ng mabilis palayo.

Shoot... pano?!





It's ZILJEN's time to shiiiiiiiine!☀️☀️☀️☀️🌟🌟🌟

Red String Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon