Jennie's POV:"Hello, I'm Zandria Vastra. Nice to meet you all."
"The name's Adriene Tinio."
"My name is Kristine Raine Soriano."
"I'm Donna Jane Llanera."
"I'm Bridget Louise Undrya Cañaveral. BLU for short."
"Hello guys, it's Andrei Brieta!"
"Baren Banas here."
"I'm Emmanuel Benedict Metrillo*bow*"
"Hey everyone! Here infront of you is the one and only Zildjian Clemente."
Until now I can still remember the way they introduced theirselves when they transferred in this section. They were pushing each other and they're also bargaining with one another.
Almost everyone in this school knows them.
Who wouldn't? The two infamous volleyball player, Zildjian and Baren. The young artist Emmanuel. The--uhm...the--troublemaker?--Andrei Brieta.
Plus Adriene Tinio whose position is the second top, Bridget, the muse of their past section, Donna, the creative lady, Kristine the 3rd placer and Zandria Vastra the horrifying problem solver.
Jeanne and I were already friends back then. Silly that I can't remember how all of us became friends, and how I liked and admire one of them more than others.
Zandria's POV:
Napatingin ako sa daliri ko ng mapunasan ko ang mainit na likidong lumabas sa ilong ko.
Hindi naman ako sinisipon..
Dugo?
Nilibot ko ang paningin ko..
...
...
May nag-english ba dito?
"Jennie! Pwedeng paturo dito? Hindi ko talaga magets eh.."rinig kong sabi ni Zildjian.
Kinuha ko ang panyo ko..ay shockening-shocks!..di nga pala ako nagdadala ng panyo.
Oh well..
Kumuha nalang ako ng tissue sa bag ni Jennie. Forever prepared tong babaeng to eh.
Sinilip ko silang dalawa dito sa mini library ng classroom.
Vacant time namin ngayon kaya walang prof.
"Pano nakuha tong si x?"rinig kong tanong ni Zild.
'Binoyfriend kasi siya ni y tapos nag-break sila.'
"Dito siya makikita sa points. Ang unang number sa coordinates ay palaging x-coordinate which means, yun si x."iniwan ko muna sila tsaka kinuha yung isang pack ng tissue sa bag ni Jennie bago bumalik sa pakikinig,feeling ko magdudugo nanaman ilong ko eh.
"So, paano naman to nangyari? Bakit negative tsaka positive magkahiwalay? Diba sa science negative is to positive tapos positive is to negative?"
"Yan ang di ko alam. Tanong mo nalang kay sir mamaya."
"Nako ayoko nga. Mamaya kaltukan pa ako nun eh. Kung di ko lang talaga alam yung salitang respeto matagal ko ng in-spike yung kumikinang niyang ulo."
"Bakit ba inis na inis ka dun?"
"Hindi kasi siya marunong magturo. Di ko nga marinig mga pinagsasasabi niya sa likod. Tapos ako pa paboritong tawagin. Bakla ata yun eh."
Napaikot nalang ako ng mata tsaka nakisali sa usapan nila.
"Alam mo zild--"
"Ay anak ka ng putek! Ano ba Zandria uso magparamdam lam mo yon?"napangiwi nalang ako sa paraan niya ng pagsasalita.
"Zild, ang sabi mo pinagdududahan mo yung math prof natin kung straight ba siya o hindi... eh sa naririnig ko sayo, daig mo pa babae sa kadaldalan."sabi ko sabay punas ng ilong ko gamit tissue ng maramdaman ko nanaman na may tumulo.
"Ikaw naman daig mo pa lalaki sa katahimikan."bawi ni Zildjian kaya napahigit nalang ako ng hininga.
"Uhm..Zs(Zees)I think hindi naman basehan ang kadaldalan pag tungkol sa gender ang topic.. hehe."sabi ni Jennie.
Hmm..
"Jen, ever since na naging magkaibigan tayo hindi ka nakikisali sa kahit anong sagutan sa pagitan namin...at kung iisipin ng mabuti.. lalabas na pinagtatanggol mo si Zild kasi never mo pa akong binaliktad sa mga pinagsasabi ko, instead, sinusuportahan mo pa ako. So why?"wag kang mage-english, wag kang mage-english..
"Mas mahal niya kasi ako kesa sayo kaya ganun."sabi ni Zild sabay irap.
Napataas naman ako ng kilay tsaka tumingin kay Jennie.
Namumula.
Confirmed.
Kitang kita ko ang pagpula ng malapad niyang noo.
Kitang kita.
"Hmp! Bahala na nga kayo diyan! Basta mas madaldal ka pa sa babae!"sabi ko tsaka bumalik na sa upuan ko.
Nagse-cellphone ako ng nag notif sa akin ang skype na nagsasabing naka-online si Jeanne kaya pinindot ko yun tsaka kinontact si Jeanne.
Napakunot na lamang ako ng noo ng biglang naging busy ang line..
"Hey Jeanne kamusta ka na?"rinig kong salita ng nasa likod kaya lumingon ako.
Si Emman, kaharap cp niya.
"Okay lang ako dito, hindi naman lumalala yung tumor ko."
"Buti naman..uhm..I love you."napangiwi ako ng sabihin niya yun.
"I love you too."
...kadiri.
"Sige na bye na. Kailangan kong bawas bawasan yung pagga-gadgets ko eh."
"Ok bye.."
Aba't walang hiyang babaeng yon! Di man lang kami kinamusta!
Aish!
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...