Zandria's POV:"So yun yung plano."kaharap ko ngayon si Zander.
"Hmm..ang galing..adventure! Ako gagawa ng part na maga-ala-ninja ah!"napa-irap nalang ako sa hangin dahil sa reaksyon niya."Pero sis, may tanong ako."
"What?"
"Bakit niri-risk mo yung pag-graduate mo dahil lang sa lovelife ng iba? Kung ako sayo iririsk ko kapatid ko para sa taong mahal ko."
"Zander, ikaw lang kapatid ko."bored kong sabi sa kanya.
"Oh..oo nga pala."
"Plus, wala akong balak magka-lovelife."
"Psh. Panget mo talaga."
"Loko magkamukha tayo."
"Pero mas gwapo ako."
"Malamang lalaki ka eh."
"Mas maganda rin ako sayo pag naging babae ako."
"So anong point mo?"
"Ang point ko..period mo ba ngayon?"napanganga nalang ako sa tanong niya.
"..oo bakit?"di na ako mahihiya walanghiya naman kausap ko eh.
"Kung period mo ngayon edi point ko naman ngayon."
"..."eh?"joke yon?"
"Aish basta gawin nalang natin!"
"Kk."
Oh wait.. hindi ko nga pala nasagot yung tanong niya.
Kung bakit ako nagririsk ng kung ano ano para lang sa lovelife ng mga kaibigan ko?
Ate nila ako eh. Normal lang yun. Mahal ko sila eh. I'm happy.
After breaktime~
Nandito kami ngayon ni Zander, naka-hood, yes prepared kami. Naka mask and sunglasses rin kami ngayon dito sa may gilid ng hagdan.PE ang panloob ko kaya hindi nila malalaman kung babae ba o lalaki ako. Minsan di ko alam kung malulungkot o matutuwa ako na may kaliitan dibdib ko eh..
"First step, takpan ang mga CCTV."
"On it."
Habang tinatakpan niya yung mga CCTV na pwedeng makakita samin, nagtatype naman ako ngayon sa laptop ko. Yes, ginagaya ko yung permit ni Jennie.
I, the school dean, chose Jennie Naluz to be the representative of our school for the upcoming national quiz bee.
Signed by:(insert signature of the dean)
Changed to:
I, the school dean, chose Jennie Naluz and Zildjian Clemente to be the representative of our school for the upcoming National Quiz Bee.
Signed by:
"Zand tapos na."
"Ok, let's go."
Pumasok na kami ng staff room, walang teacher dahil class hours na.
"Guard the door Z"utos ko kay Zander.
Habang ako naman ay inayos ang mga gamit ko tsaka ko kinonect ang printer dito at ang laptop ko.
Pinrint ko na yung file ng two copies.
*shhhk*
Ok done.
Kinuha ko yung--nakalimutan ko kung anong tawag dito..
Tawagin nalang natin siyang magical bakat paper.
Pinatong ko yun sa copy na ginawa ko tapos pinatong ko yung original.
And here comes my favorite part!
Bakat bakat~
Isa pang bakat~
Trace trace..
"Zand, hurry. May naririnig akong security guard. Mukhang napansin na nila na natakpan yung mga CCTV."
"Coming."tinanggal ko na sa pagkakakonek sa printer ang laptop ko at kinuha lahat ng gamit ko."Let's go."
Tinakbuhan namin ang mga security guard na nakakita sa amin pero mas lalo lang silang rumami.
Nagbi-breed ba sila habang tumatakbo?
In the end, wala kaming nagawa ni Zander kundi umakyat ng mabilis sa punong pinakamalapit pagkalikong pagkaliko namin.
"Quiet.."
Habol ang hininga namin ni Zander ng bumaba kami sa puno.
"Hi-five bro."
Nag-apir naman kami.
"That was fun."
"Pag to nalaman nila papa..we're so dead."
"Don't even mention it."
Nauna na akong pumunta sa next subject namin--which is MAPEH and I was relieve dahil hindi magiging suspicious ang prof namin dito pag nakita niya na kasali si Zildjian sa Quiz Bee. Zild is good in Mapeh.
"Hey Zand!"
"Oh, hey guys!"nakangiti kong bati sa kanila.
"Bat wala ka kanina?"tanong ni Donna.
"Sumakit kasi ulo ko kanina eh..kaya nag-stay ako sa clinic ng isang oras."
"Ahh..okay."
"Uhm..Zand, how about my permit?"tanong ni Jennie.
"Permit? Oh yung permit mo..."nagkunwari akong nagiisip."Oh no.. natapon ko yata nung tinapon ko yung balat ng gamot na binigay sakin ng nurse..."
Na-iimagine ko na yung mga sungay ko..Gosh..mapupunta talaga ako sa impyerno nito.
"What..? Zand naman.."shoot guilting guilty na ako dito hindi dahil sa natapon ko talaga, kung dahil sa mga kasinungalingan ko.. ok lang yan Zandria..mas nagiging effective ang pag-acting mo.
Pumasok na kami sa gym tsaka hinintay yung prof.
Nagpahuli ako.
Nang madaanan ko ang palaging pwesto ng prof ay hinulog ko dun yung copies ng permit.
I'm so dead.
BINABASA MO ANG
Red String
Teen FictionWalong tao na magkaka-ibigan. Tutulungan ng isang taong bitter?! Pakielamera na kung pakielamera. Atlis walang sariling problema. Yan ang motto ng nag iisang Zandria Vastra. Ang match maker sa mga storyang naririto na dinaig pa ang bida sa dami ng P...