Paano mo masasabing nalimutan nya na ang past relationship nya?
Sigurado ka bang mas mahal ka nya?
Kailangan mo bang higitan yung mga memories na meron sila?
kahit na alam mong hiding hindi na to mabubura?
--------------
the next morning sinundo nya nga ako.
nagtext na yung pinapatour ni mommy. babae. mag kikita kami sa isang cafe malapit sa school after class.
sakto, may kasabay ako pauwi. :))
Akeela Santarin yung name nya. Santarin? ang kilala ko lang na Santarin eh yung lawyer namin. Siguro anak sya nun.
Sinabi ko na kay Singkit na babae yung makakasama ko kaya panatag na sya. Parang sira kasi yun, di ako papayagan kung lalaki. Possesive talaga. Parang baliw.^_^V
After class, dumiretso na nga ako sa cafe.
And I immediately saw her. Naka mini skirt sya tapos tube. Liberated manamit. mahaba buhok nya.
Naka side view sya sakin, she look familiar. di ko lang matandaan...
Ang ganda nya. Mukha syang mahinhin, na liberated manamit.
Ang puti, parang artista yung kutis.
Pero syempre, mas maganda pa din akoo. ^_^
Lumapit na ko.
"Hi!"
"Yass?"
"Akeela?"
Mukha syang friendly.
"hello! upo ka." tapos ayun umorder na kami.
"hmm. anak ako ng lawyer ng parents mo. Lagi ko kasama mom mo sa states kaya nung nalaman nyang uuwi ako, inoffer nyang sa inyo na muna ko tumuloy."
"I see. So, sa bahay ka na muna talaga titira."
"yup! andun na nga mga gamit ko eh. pasensya na ha. pinauna ko na. matagal na din kasi ako di nakakauwi kaya wala na ko masyadong alam dito." mejo alangan nga yung tagalog nya. may pag ka slang. :))
"okay lang. wala kang friends dito?"
"meron naman. kaya lang.. hmmm, how will i put it? ahh.. long story. i wish you could tour me around. Baka maisipan kong mag stay na dito for good. "
"oh. great. sakto, busy boyfriend ko for the week kaya masasamahan talaga kita."
"oh so you have a boyfriend. thats good, sana di ako maka istorbo sa inyo. you can tell me if you are busy ha. ayoko namang maging baggage sa inyo."
"okay lang no.madami akong friends, papakilala kita sa kanila.single friends."
''thank you. i need that."
"problem back there?"
"heart problem. hahha. i just want to forget someone."
"I'll help you."
"Thanks. hulog ka ng langit."
nung nag smile sya, lalo kong naalala na may kamukha sya. I just could not think who.
ahhhh. we went straight home. bukas na lang kami gagala, alam ko may jetlag pa sya eh.
-----
Kinabukasan, tinanghali ako ng gising, andito na si Singkit sa bahay.
BINABASA MO ANG
LOVE BEAT
Novela JuvenilIf you love someone, then you probably love yourself too, right?