Yu-an's POV
nasilaw ako sa pag bukas ng closet kaya mejo pinikit-pikit ko yung mata ko.
pag-mulat ko ng mata ko, andun yung babaeng maliit.
0_o
ganyan yung hitsura nya. parang gusto kong matawa. pero pinigilan ko syempre.
mejo mabuway yung pag labas ko ng closet.
nahihilo pa din talaga ko. Peste talaga tong Rigs na to.
@__@
di naman ako sanay mag lasing eh. Nakikisama lang talaga ko, kasi bagong salta nga lang ako sa school nila.
Kababata ko si Rigs. Parang kapatid na turing ko dun eh. Mas close pa kami kesa sa kuya ko. Kaya din napasali ako sa banda nila, kahit mejo labag sa kalooban ko, kasi nga wala daw silang drummer.
Nakakahiya kasing tanggihan si Rigs, ang bait pa naman ng taong yun, minsan lang mag salita.
Tinignan ko lang si (ano nga ba pangalan non?) hanggang ngayon di ko pa din alam.
MUNING na lang papangalan ko sa kanya, tutal muka talaga syang pusa eh. Yung mata nya pa kulay black. as in black na black. nakakakilabot. Kasi sobrang ganda ng mata nya. hahaha
Namumula sya, hanggang tenga. ANG CUTE!!! ang sarap asarin. mukha talaga syang pusa.
ang lambot pa ng lips nya. Nakakatukso i-kiss. +__+
ang sama ng tingin sakin, parang mangangalmot.
HAHAHAHA
isa na lang. aasarin ko sya para lalo syang mamula. ^__^v
"thanks for the kiss, sweet-lips" pinipigilan ko yung tawa ko kasi parang uusok na yung tenga nya sa sobrang pula.
tuloy-tuloy sya sa pinto tapos...
blaaaaaaaaaaaaaggggggggggggg!
bato-bato talga.binalibag yung pinto pasara.
-____-
Lalabas na nga din ako, mejo nahimasmasan na ko sa hilo.
alam ko may tugtog kami, isang kanta lang, sample daw. atsaka last set na nila with Kaloy.
pag baba ko, dumiretso ako sa may garden. Nandun yung mini stage eh.
Nag i-i-speech na si Kaloy. Makikita mong malungkot talga yung iba, lalo na yung mga ka-band members nya.
Hinanap ng mata ko si MUNING. nag taka ko kasi mangiyak-ngiyak na yung hitsura nya. Sinundan ko yung tingin nya.
Nakita ko yung humahabol sa kanya nung nakaraan, me kaakbay na babae.
Kung sya yung dahilan ng luha mo, sabihin mo lang, sasapakin ko.
bigla akong nabadtrip. Ayoko talagang nakakakita ng babaeng umiiyak. tssss.
Kaya ko nga sya hinalikan kanina eh, para tumahan na sya.
Narinig kong tinawag na sya nung MC, si Lea. Kakanta siguro.
Umakyat sya sa stage, tapos umupo sa tapat ng organ.
Yass pala pangalan nya, mas bagay pa din pag MUNING.
Naghanap ako ng pwesto, papanoodin ko to. ^__^
--------
Yass's POV
BINABASA MO ANG
LOVE BEAT
Novela JuvenilIf you love someone, then you probably love yourself too, right?