Paglabas namin ng music room ni Juan, pinagtitinginan kami. Yung iba, kinikilig, yung iba, parang lalamunin ako ng buhay.
Siguro dapat masanay na ko, ganito talaga. tsss.
Nakayuko na lang ako. Nahihiya ako. Naiilang.
"Heads up muning, You're with me." tapos hinawakan nya yung kamay ko. Nagulat yung iba, syempre, ako din.
Pag angat ko ng paningin ko, palapit samin si Jan-Jan tsaka Neil.
"oi! Lover boy! Kayo na no? Yee." Loko talaga si Jan-Jan.
"Congrats pre. Ingatan mo yan si Yass, bakuran mo na, agawin ko sayo yan." Halata namang nagbibiro lang sya.
"Mga loko talaga kayo." si Yu-an.
"Yass, wala daw kayong teacher. San punta nyo? Painom ka naman pre!!"
si jan-jan nanaman, humirit pa.
"Si Rigs?"
"nakita ko kasama ni Cocobeybs eh. Baka sila na din? Pucha pre tayo na lang walang jowa!! sagutin mo na kasi ako!" si jan-jan kay neil. mga loko talaga.
"Gunggong!!------manligaw ka muna!" wahahaha. biglang gumaan yung atmosphere. Wala ng ilangan. Salamat naman.
"Mga siraulo. Text nyo si Rigs at Coco, Sa condo tayo, order na lang tayo, tinatamad ako mag dri ve" sabay abot ng susi nya kay neil.
"ayos pre!! makakahawak ako ng chekot ni master Juan."
"Oi, eto na pala si Rigs. Pre! Dun daw tayo sa condo ni master Yuan. Papacanton daw sya!"
Lumapit samin si Rigs, kasama nya si Coco. Parang namumula yung mata nya.
Kinausap nya si Juan.
"Congrats pre" ngumiti sya pero parang di umabot sa mata nya. "congratulate mo din kami, kami na ni Courtney! Sabay pa no?"
O.O
O.O
O.O
Lahat kami shocked.
anyare? sila na? pano nangyari? bakit parang nagulat din si Coco. may something fishy dito.! kailangan kong malaman. pero, tsaka na. Ang tsismosa ko talaga.
"O! ayos pala! tara mag celebrate. my treat!" si Juan, yabang. pfff.
Nakatingin lang sakin si Bestfriend. Parang naguguluhan din sya.
Since may motor naman si Rigs, dun na sila sumakay ni Coco. Tapos apat kami sa kotse ni Juan. Sa likod kami , tapos yung dalawang makulit, sa unahan.
Hawak lang ni Juan yung kamay ko. Actually, unti-unting nawawala yung ilang ko. Parang napaka natural kasi na hawak nya yung kamay ko. Parang meant to be. Ah. Ewan ko ba!
Nung nakarating na kami dun sa condo nya, inutusan nya yung dalawa na bumili ng inumin, tapos umorder na lang sya ng pagkain. so, naiwan kaming dalawa dito. Nakaupo lang kami sa sofa.
"Happy?" si juan. Joke ba yun? hindi ba halatang masaya ako?
"Hindi." tss
"Hindi?" -____-
"hindi." :p
"wag mo ko dilaan, kakagatin kita."
"pikon."
"Pilya."
"maganda naman."
"pangit!"
"singkit!"
BINABASA MO ANG
LOVE BEAT
Teen FictionIf you love someone, then you probably love yourself too, right?