Noong ikinwento ko kay Kyle kung paano nangyari na double date kami sa JS Prom, aakalain mo na parang si Luis pa rin ang pinag-uusapan namin dahil hindi pa rin mapigilan ang kilig niya, at tuwang tuwa siya noong nalaman niyang may date na rin ako. At, ang date ko lang naman ay ang lalaki na kahit kakalipat lang sa school namin ay talaga namang gustong gusto na ng mga babae.
"Hindi mo ba alam na halos pagkaguluhan siya ng mga babae noong lumipat siya? As in, girl. Ang gwapo kaya niyan!" sabi niya sa akin habang magkasama kaming nagbibihis para sa prom mamaya.
"Well, napansin ko na iyon," pagkasabi ko 'nun ay kinindatan ako ni Kyle, na ang ibig sabihin ay, 'I know, right?' na siya namang sinagot ko ng pag-irap sa kaniya. "'Nung inutusan ako para ilibot at i-guide siya, napansin ko na 'yon sa kaniya, pero hindi ko alam, mahiyain siya eh."
"Totoo ba? Sa klase namin, hindi naman siya ganoon." Kaklase siya ni Kyle. Katulad ni Dylan at transferee lang rin si Kyle dito kaya hindi kami nagkataon na naging magkaklase. "Sa totoo lang, may pagka-presko siyang lalaki. Paano mo nasabing mahiyain siya?"
"Well, kapag kausap niya ako, panay siyang nakayuko, o kaya naman, napapakamot ng ulo, o namumula."
"Hay nako, Benice. Hindi ba obvious sa'yo 'yun?"
"Kyle, ano na naman 'yan? Sinasakop mo na naman ang utak ko, ha!"
"Gusto ka niya, Ben. Hay nako."
"Kyle nga. Hindi pa naman siya umaamin, 'di ba? At tsaka ano bang sinabi ko sa'yo? Ayoko pa munang isipin ang mga bagay na 'yan. Ayoko nang mahulog na naman, masasaktan lang ako."
"Whatever you say, Ben," sabi niya at ngumiti sa akin at napailing na lang.
***
Si Luis ang sumundo sa amin ni Kyle. Nag-offer rin si Dylan na sunduin ako, pero tumanggi ako dahil nauna na akong nagsabi kay Kyle na sabay kaming papasok ng venue, kaya naman sinabi niya na maghihintay na lang siya sa entrance at sabay kaming maglalakad papasok ng hall.
Pagbaba namin ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Dylan, na lalong lumutang ang kagwapuhan sa suot niyang tuxedo na black. Nakaayos rin ang buhok niya. At sa unang pagkakataon nang kausapin niya ako ay hindi siya napayuko, napakamot, o ano man. Tinignan niya ako sa mata at kinuha ang kamay ko.
"Benice, let us walk together."
At sa pagkakataong ito, buong buo kong tinanggap ang kamay niya. Walang alinlangan, walang pagdadalawang isip. Sa pagkakataong ito, kakalimutan ko muna ang lahat. Dahil nangako kami ni Dylan sa isa't isa na ito ang magiging pinakamasayang gabi namin nang magkasama.
Pagpasok namin sa event hall ay marami na ring estudyante sa loob. Maayos at maganda ang pagkakaayos. May red carpet sa entrance at nakaready na ang mga photographer sa pagpasok ng mga estudyante. May photobooth rin na pinaganda ng pader na punung-puno ng mga rosas bilang background. Nakahanda rin ang buffet na punong puno ng rosas na iba't ibang kulay. Ang mga mesa ay naka-assign na sa bawat estudyante, na pinaganda rin ng mga bulaklak na nakalagay sa gitna. May music na rin, na lalong nagdagdag sa pagiging romantic ng venue. Hindi maikakaila kung gaano kaganda ang venue at talagang makikita at mararamdaman mo kung gaano ito ka-romantic. At sa buong pagkakataon na magkasama kami ni Dylan na naglalakad papasok hanggang sa makaupo sa aming mga mesa ay hindi niya binitawan ang kamay ko, at hindi ko inisipang bitawan man lang ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...