Chapter 11: Summer

1.7K 23 0
                                    



Kagaya nga ng plano ko, naging abala na rin ako sa pag-aasikaso para sa pagpasok ko sa kolehiyo. Ilang buwan na lang ay lilipat na ako sa dorm ko at malalayo na kela Mommy. Minsan kapag naiisip ko na mag-isa muna akong titira sa isang bahay na malayo sa pamilya ko, nalulungkot ako dahil hindi rin ako sanay. Dahil nga nag-iisang anak ako, nabuhos sa akin ang lahat ng atensyon nila habang lumalaki ako, at malamang isa 'yun sa mga bagay na mahihirapan akong mag-adjust. Naka-ayos na rin ang dorm ko at ready nang lipatan para sa akin. Pinalinis na namin nila Mommy at ilalagay ko na lang ang mga gamit ko. 


Pero kahit na mapapalayo naman ako kela Mommy, magkakalapit naman kami ni Kyle. Magkatabi lang kami ng kwarto sa dorm, at iisa rin ang school na papasukan namin, maging si Luis. Pagkatapos pala ng graduation ay sinagot niya ito habang nag-didinner kasama ang pamilya niya. Nakakatuwa silang panoorin pareho, kitang-kita ko na talagang gusto nila ang isa't isa. Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Patrick at lahat ng memories namin. Noong nagsisimula pa lang ang relasyon namin, hindi rin kami mapaghiwalay. Sobrang sweet sa isa't isa, kaya hindi ko rin naman kayang sisihin ang sarili ko kung bakit talagang nahulog ako sa kaniya. Sobrang bait at mapagmahal niya, pero ngayon sigurado ako na sa ibang babae niya na ibinubuhos ang lahat ng pagmamahal na binigay niya sa akin. May kaunting kirot pa rin kapag naaalala ko siya, pero hindi na katulad ng dati. Kaya ko nang indahin ang sakit at alam ko sa sarili ko na makakalimutan ko na rin siya at makakapagpatuloy na ako sa buhay ko.


Wala na rin akong narinig mula kay Dylan simula noong graduation. Kapag inaaya namin siya na lumabas, busy raw siya. Hindi ko rin siya masisi dahil ang huli niyang sabi sa amin ay maaga siyang lumuwas para pumunta na sa dorm. Bukod sa malayo na siya sa amin, busy na rin siya dahil nag-part time job daw muna siya pang-dagdag allowance. Hindi rin naman alam kung bakit ganiyan siya, siya 'yung tipong mayaman pero ayaw niyang humingi palagi ng allowance sa parents niya kaya gusto niya pa rin na mag-ipon at mag-trabaho. Isa 'yun sa napakagandang ugali niya.


Minsan tuloy, naiisip ko, paano kung siya na lang ang nakilala ko noon at hindi si Patrick? Siguro hindi ako nasaktan o baka hindi ako mag-isa ngayon. Sa maikling panahon kasi na nakilala ko si Dylan, nakita ko na kung gaano kabuti ang loob niya. Oo, presko siya pero mabait siya, maalalahanin at maasikaso. Nakikita ko rin na responsable siya at kung nagkataon siguro na mayroon siyang girlfriend, mararamdaman  niya rin kung paano maging isang prinsesa. Kung lahat ng babae ay tatratuhin niya kagaya ng pagtrato niya sa akin 'nung prom, panigurado walang masasaktan basta kay Dylan.


Kung kaya ko lang sigurong ibalik ang oras, baka si Dylan na lang ang pinili kong mahalin, baka sakaling hindi pa ako nasaktan.

Afraid to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon