Chapter 12: Hello, Once Again

1.7K 16 1
                                    



Ngayong araw ang unang araw ng pag-stay ko sa dorm. Isang linggo na lang at pasukan na namin, kaya naman napagdesisyunan na namin nila Mommy na mag-stay na ako sa dorm para kahit paano ay masanay na ako sa school. Nakaalis na sila kaninang tanghali. Kaninang umaga ay naging abala naman kami sa paglalagay ng gamit ko sa dorm, pagkatapos namang ayusin ay sama-sama kaming kumain sa labas, bago sila nagpaalam dahil may aasikasuhin pa silang trabaho.

Noong kinahapunan, napagdesisyunan ko na mag-ikot ikot sa university. Nasa loob lang rin naman ng campus ang dormitory, kaya sinamantala ko na ang oras para mag-ikot ikot para na rin maging pamilyar na ako sa campus. Medyo malaki rin ito, at mahihirapan ako kung sa bawat liko ay para akong batang ligaw na nagtatanong sa mga upperclassmen.

Hindi ako pumasok sa mga buildings dahil bawal itong pasukin bago pa ang official start ng classes next week, kaya naman dumadaan lang ako sa harap nito at tinatandaan ang mga buildings kung saan ako may naka-schedule na klase. Hindi naman sila ganoon kahirap tandaan, buti na lamang at hindi magkakalayo ang buildings ng klase ko, at karamihan ay nasa iisang building lang.

Sa may open field, abala na ang mga seniors at student council sa pag-aayos ng stage na binubuo para sa event nila bukas para sa mga freshmen na tulad ko. May orientation at welcome party silang gaganapin bukas, at excited na rin kami para dito nila Kyle. Nagkasundo kami na magsama-sama para bukas. Sobrang sweet nila tuwing magkasama, at nasasanay na rin ako na maging third wheel sa dates nila.

Pagkadaan ko sa field, nagsimula na akong maglakad pabalik ng dorm dahil magkikita-kita pa kami nila Kyle para kumain sa labas. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para itext si Kyle na pabalik na ako sa dorm at hihintayin ko na lang siya sa labas, pero may nakita akong pamilyar.

Agad akong lumapit at tinawag ko siya. "Dylan?"

Lumingon siya kaagad at nagulat rin siya na makita ako. "Benice!"

"Dito ka rin pala mag-aaral! Wow! Kamusta ka na?" pagkamusta ko sa kaniya. Hindi na rin kami nagkausap at talagang nagulat ako na parehas lang pala kami ng papasukang school.

"Eto, okay naman ako," sagot niya sa akin. "Ikaw? Kamusta?"

"Okay din naman. Anong course mo dito?"

"Ah, mechanical engineering. Ikaw?"

"Communication arts," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Tagal mong di nagparamdam ah," biro ko sa kaniya. Pero, aaminin ko, gusto ko lang rin naman talagang malaman kung anong nangyari at hindi na siya nakapagparamdam pa.

"Nako, pasensiya ka na ha," napapakamot-ulo niyang sabi. "Naging busy kasi, nagkasakit ang lola ko, kaya ayun, umuwi kami sa probinsya para alagaan siya."

"Talaga ba? Kamusta na siya ngayon? Sana magaling na siya."

"Ah, oo. Okay na siya. May katigasan rin kasi ng ulo, ayaw uminom ng mga gamot niya."

Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext pala si Kyle. Ben, dito na ako sa labas ng dorm. G ka na?

Oo nga pala, kakain kami sa labas! Sayang naman, gusto ko pang kausap si Dylan. Kaya naman kahit na nahihiya ako, nilakasan ko ang loob ko para subukan siyang ayain na sumama sa amin. "Uhm, Dylan, may lakad ka ba?" pag-uumpisa ko. "Kakain kasi kami nila Kyle ngayon, diyan lang sa Brent's Plate. Gusto mo ba sumama?"

Paniguradong namumula na ako ngayon, dahil kahit ako ay nahihiya rin. Hindi naman kasi ako ang tipong mapag-aya, lalo na sa mga lalaki, kaibigan man o hindi.

"Sure, sige. Sakto, kakain na rin ako e." Nakangiting sagot niya. Nang marinig ko 'yon, agad akong nagreply kay Kyle.

G na, may kasama ako ha. :) 

Afraid to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon