Nagkita-kita kami nila Kyle sa harap ng dorm, kung saan kasama na rin niya si Luis. Pagkatext ko sa kaniya na may kasama ako, hindi na siya nagreply, pero alam ko na maiintriga na ako mamaya. Nagulat rin siya nang makitang si Dylan ang kasama ko.
"Huy, Dylan!" salubong niya dito. "Long time ah!"
Natatawang sumagot si Dylan. "Oo nga eh."
"Osiya, tara kain na! Gutom na ko eh," sabi ko naman. Sumang-ayon naman sila at sabay sabay na kaming naglakad palabas.
Ang Brent's Plate ay nasa labas lang ng gate ng school namin. Paglabas mo, tatawid ka lang at nandun ka na. Pagpasok namin, nakita namin ang mga kapwa estudyante namin na dito na rin kumakain. Humiwalay muna si Kyle at Luis para humanap ng table, medyo marami rin kasing tao dito na karamihan ay estudyante. Sikat kasi itong Brent's dahil bukod sa malapit nga ito sa school, 24 hours open din ito, at komportableng pagtambayan ng mga estudyante.
Maya maya pa, binalikan kami ni Kyle para ituro ang table na nahanap nila. Malapit sa dulo ang nakuha nila, pero okay lang naman dahil maayos naman ang lugar.
Umupo na kaming lahat at umorder. Pagkaalis ng waiter para sa orders namin, agad na kinausap ni Kyle si Dylan.
"Oh, kamusta na?" tanong ni Kyle kay Dylan.
"Eto, okay naman. Ayos pala 'to, magkakasama tayong lahat sa school! Akala ko wala akong kakilala dito, buti na lang nakita ko si Benice kanina," sagot niya. Pagkabanggit ni Dylan ng pangalan ko, tumingin sa akin si Kyle at ngumiti sa akin na para bang nang-aasar. Pinandilatan ko siya ng mata para patigilin siya, sabay tingin kay Dylan, buti na lamang ay hindi niya napansin dahil nagkukwentuhan na rin sila ni Luis. Parehas rin kasi sila ng course na mechanical engineering.
Maya maya pa, bigla kong naramdaman ang kurot ni Kyle sa bewang at pabulong na nang-asar. Nakangiti siya nang nakakaloko, sinasabi ko na nga ba, mang-iintriga na naman siya. "Ikaw ha, nakasungkit ka na naman."
"Siraulo! Nagkasalubong lang kami kanina 'no!" Pagtanggi ko sa sinasabi niya.
"Well, whatever you say, basta ako iba ang pakiramdam ko," sabi niya sabay kindat. Sasagot pa sana ako sa kaniya, pero sakto namang dumating na ang pagkain namin.
Tuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan habang kumakain. Ang dami ring kwento ni Dylan tungkol sa probinsya nila. Ako naman ay aliw na aliw sa pakikinig sa kaniya. May mga pagkakataon rin na nagtatama ang mata namin at nginingitian niya ako. Hindi ko sana gustong pansinin, pero napapangiti din ako sa ginagawa niyang iyon.
Pagkatapos kumain, sama-sama kaming lumabas at naglakad pabalik ng school. Nasa unahan namin sila Kyle.
"Uh, Benice?" pagtawag sa akin ni Dylan.
"Oh, bakit?"
"Uhm, hindi ka naman nag-iba ng number, 'no?"
"Hindi, 'yun pa rin ang gamit ko hanggang ngayon."
Dahil malapit lang sa gate ang dorm namin ni Kyle, nauna na siyang nagpaalam kay Luis. Sumenyas naman ako na mauna na siya at susunod na lang ako sa kaniya.
"Uhm, una na ako ha? Dito ang dorm ko eh," pagpapaalam ko kay Dylan.
"Sige," sagot niya. Para siyang nag-aalangan sa sasabihin niya, kaya naman nag-stay pa ako at hinintay ko ang sasabihin niya. "Ano, uhm.. itetext kita ha."
"Sure, sige," nakangiting sagot ko naman sa kaniya. Pagkatapos noon, naglakad na rin ako at papasok na sana ako sa dorm, pero naramdaman ko bigla ang braso ni Dylan na yumakap sa akin.
"Good to see you again," bulong niya sa tenga ko.
"Good to see you too, Dylan." Pagkatapos ay bumitaw na ako sa yakap niya at nginitian ko siya. Naglakad na ako papasok sa dorm, pero noong lumingon ako pabalik, nakatayo pa rin doon si Dylan at nakangiti sa akin.
Grabe, hindi ko mapaliwanag ang lakas ng tibok ng puso ko sa ginawa niya na 'yun. Kulang na lang magwala ang puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1229960-288-k356996.jpg)
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomansAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...